Joem Bascon, aminadong nagkulang sa relasyon nila ni Meryll Soriano

UNFAIR ITO KAY Kris Aquino, pero ngayon pa lang ay usap-usapang si Kris Aquino na ang magiging best actress sa darating na Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Dalaw na pinagbibidahan ng aktres.

Say ng aming spy, si Kris ang mahigpit daw na makakalaban ni Jennylyn Mercado sa Best Actress, pero si Kris ang magwawagi. “Naku one plus one lang iyan, sino ba ang powerful ngayon?”

Sa kabilang banda, huwag pakasisiguro sina Kris at Jennylyn (Rosario) na sila lang ang magkakabanggaan sa pagka-best actress, hindi rin matatawaran si Ai-Ai delas Alas. Pero teka how true na kinabog ni Eugene Domingo ang acting ni Ai-Ai sa Tanging Ina, Last Na ‘To?

EXCLUSIVE NA IPINAGDIWANG ni Derek Ramsay ang kanyang kaarawan, kung saan ay piling kaibigan lang ang dumating sa kanyang party. Sa nasabing party, dumalo sina Gretchen Barretto at si Angelica Panganiban na kumpirmadong gagawa ng teleserye next year.

“Masaya ako kay Angel dahil buo na ang pagkatao niya ngayon. Sobrang saya siya nang makita at makilala niya nang personal ang kanyang ama. Ang laki ng ipinagbago niya ngayon, dahil sa totoo lang, dating sumpungin iyan, madaling magalit. Pero ngayon, lagi siyang masaya.” Pagkukuwento ni Derek.

Ayon pa sa binata, sinisikap niyang maging close sa ama ni Angel. “Hindi pa kami personal na nagkikita, pero nagkakausap na kami over the phone, at sa tingin ko naman ay magkakasundo kami dahil mukha siyang mabait.”

MARIING ITINANGGI NI Joem Bascon na may bago siyang pag-ibig ngayon. “No, walang katotohanan iyon dahil ‘yung paghihiwalay namin ni Meme (Meryll Soriano), pareho naming kagustuhan at desisyon at wala talagang third party involved.”

Ang usap-usapan kasi, may bagong girl daw sa buhay ni Joem. “Busy ako at nagko-concertrate ako sa work kaya imposibleng mangyari iyon. Iyon nga ang dahilan kung bakit nagdesisyon kami ni Meme na maghiwalay, nawawalan na kasi kami ng time para sa isa’t isa.”

Sa kabilang banda, okey lang daw kay Joem kung makilala siyang kontrabida dahil sa mala-demonyo niyang pagganap sa teleseryeng Noah. “Bilang Juda, grabe talaga ang sama ko du’n at natutuwa ako kapag may mga taong nagagalit sa akin. It means na effective ang role ko.”

Sinabi pa ni Joem na okey lang sa kanya kung sakaling magkaroon na ng bagong pag-ibig si Meryll. “Siyempre, kahit paano, masasaktan ako. Pero dapat tanggapin ko dahil aminado naman akong ako ang may pagkukulang sa kanya,” pagwawakas ng binata sa aming kuwentuhan.

IPAGDADAMOT NI OGIE Alcasid ang kanyang mga interbyu lalo na kung ang pag-uusapan ay detalye ng kanilang kasal ni Regine Velasquez. “Bawal pag-usapan. Gusto ba ninyo akong mademanda?” Ani Ogie nang makausap namin siya kamakailan sa Pagcor, na nagsabi rin sa amin na excited na siya sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Regine.

“Kung puwede lang pag-usapan, bakit ang hindi? E, ‘yun ang pinakamagandang mangyayari sa aming buhay ni Regine.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.