Joel Cruz, happy sa pagpasok ni Sarah Geronimo sa Aficionado

Sarah-Geronimo-Joel-CruzSALUDO RAW ang CEO/President ng Afirmative Company, makers of Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures na si Sir Joel Cruz sa kanyang bagong dagdag na image model ng kanyang produkto na si Pop Princess Sarah Geronimo na may 7 scents of perfume at 7 scents of cologne.
Tsika nga ni Sir Joel patungkol kay Sarah, “Isa siyang example na dapat i-idolize ng young generation ngayon.
“Very talented, may disiplina sa sarili at walang tsismis na mga negative. ‘Di ba mahirap din ‘yun? Na ma-maintan mo ang character, ‘yung personality mo na panay negative ang sinasabi ng tao, pero sa kanya wala akong naririnig na mga negative.”
At sa paglabas nga raw ng personal lines ng pabango at cologne ni Sarah, selling like hot cakes na ito na labis na ikinatutuwa ng very generous at napakabait na businessman.

Generation-6-Jake-Vargas-Vincet-dela-CruzJake Vargas, GEN. 6, at Vincent Dela Cruz live sa Starmall Las Piñas sa Linggo

NAKATAKDANG MAG-SHOW ang tinaguriang Prince of Mall Show na si Jake Vargas na napanonood sa Pepito Manaloto, Walang Tulugan With The Master Showman, Sunday All Stars, at ang malapit nang mapanood na teleserye sa GMA 7, ang Buena Familia, sa Starmall Las Pinas sa May 31, 2015 (Sunday), 4 pm.
Makakasamang mag-perform ni Jake ang newest dance group na Generation 6 na kinabibilangan nina Moja Frias, Jb Paguio, Carl Cahile, at Mico Dela Cruz, at ang baguhang singer/actor na si Vincent Dela Cruz.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous article‘Di na haggard ang fez
Next articleValerie Concepcion, Immigration lawyer ang bagong dyowa

No posts to display