Jodi Sta. Maria, tinanggihan si Amor Powers

Jodi-Sta-MariaNAGLABASAN NA nga sa mga pahayagan na si Jodi Sta. Maria raw ang bubuhay sa role ni Eula Valdes bilang Amor Powers sa remake ng hit teleserye noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN na gagampanan ngayon ng Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Pero napag-alaman namin sa farewell presscon ng high-rating daytime teleserye na Be Careful With My Heart nina Richard Yap at Jodi na hindi raw ang aktres ang gaganap as Amor Powers nga, dahil gusto raw munang magpahinga at magbakasyon nito.

Although kahit sa boyfriend ni Jodi na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ay nakarating na ang girlfriend n’ya raw ang next Amor Powers.

Kung sa bagay, more than two years namamayagpag sa ere ang Be Careful… at halos araw-araw raw talaga ang taping nila kung minsan.

Ang tunay na gaganap daw na Amor Powers ay si Angelica Panganiban.

Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

5 thoughts on “Jodi Sta. Maria, tinanggihan si Amor Powers

  1. Di bagay Kay Angelica P. Ang amor powers, magmumukhang slut ang character ni amor, sayang.. Ganyan kase Lagi image na lumalabas sa kanya pag May landi factor. Mass maganda pag much older, like Myline Dizon, bagay… Sophisticated bagay sa kanya, pwede rin sa pag Mahirap nung di pa sya si amor..

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.