Jodi Sta. Maria, shocking ang eksena indie film!

TIYAK NA MARAMI ang gugulatin ni Jodi Sta. Maria sa kanyang role sa indie film na Chassis.

Uncut ang aming napanood na version sa UP Film Center kamakailan, at talaga namang na-shock kami sa guts ni Jodi na gawin ang finale scene na napakaselan.

Talagang napahanga kami ni Jodi dahil hindi siya nagdalawang-isip gawin ang nasabing eksena na tiyak na ikasi-shock ng mga manonood.

Actually, hindi na bago ang eksenang iyon, dalawang movies na yata ang may ganoong scene in the past. Pero dahil masyadong graphic ang scene at first time pa iyong ginawa ni Jodi, talaga namang mamamangha kayo.

“Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa,” esplika ni Jodi.

“Tulad nga ng sinabi ko, hindi naman ako madalas nabibigyan ng ganitong klaseng pelikula. Hindi ko naman siya ginagawa sa pelikula o sa telebisyon. Pero nu’ng nandu’n na, alangan namang mag-inarte pa ako. Go na!” sabi pa ng aktres.

Actually, nang magkaroon ng world premiere ang Chassis sa Pusan International Film Festival last month, marami ang nagulat sa ending. Talagang na-shock sila sa katapusan ng pelikula.
Kaya ang advice namin sa manonood, huwag kukurap sa ending dahil tiyak na masi-shock din kayo.

NAGWAGI ANG WOWOWEE bilang Best Game Show sa katatapos na Star Awards for TV. Ang Corporate PR head ng ABS-CBN na si Bong Osorio ang tumanggap ng award. Sa kanyang speech ay isang maanghang na one-liner ang pinakawalan ni Mr. Osorio.

“Ang Wowowee ay isang magandang palabas. Huwag sanang kopyahin ng iba,” patutsada ni Mr. Osorio.

Naku, sino kaya ang pinatatamaan ni Mr. Osorio, si Willie Revillame o ang TV5? Hindi kaya both? What do you think?

TOTOO BA NA maraming PMPC members ang naimbiyerna sa kanilang producer? Ang tsika kasing nakarating sa amin, nag-promise ang produ na pagagawan ng damit ang PMPC members. Sinukat-sukatan pa ang mga writers, pero ang ending ay ready to wear gown na ang ibinigay sa kanila. At dahil yari na, marami sa mga damit ang hindi nagkasya dahil hindi naman ‘yon ang sukat nila.

TUWANG-TUWA SI VICE Ganda sa lakas ng reception nang i-announce na isa ang Showtime sa nominees. Super lakas kasi ng palakpakan pagkatapos banggitin ang name ng show bilang isa sa nomi-nee.

Sa kanyang katuwaan ay dali-daling nag-tweet si Vice Ganda.

“Nakakatuwa, kasi sa lahat ng tinawag na nominees at winners magmula ng nag-start, SHOWTIME ang may pinakamalakas na applause,” sabi ni Vice sa tweet niya.
AMINADO SI RODJUN Cruz na na-offend siya sa intrigang two-timer ang kapatid niyang si Rayver Cruz. Natsismis kasi na pinagsabay ni Rayver si Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

“Siyempre, nao-offend ako kasi ako mismo, kilala ko ‘yung kapatid ko. Alam ko kung gaano siya kabait na tao, kung gaano siya kabait na kapatid sa pamilya niya. Kasi, lumaki kami nang sabay kaya nao-offend ako,” esplika ni Rodjun sa thanks-

giving presscon ng Juanita Banana.

Sa pagkakakilala ni Rodjun sa kanyang kapatid, hindi ito two-timer.
Naniniwala rin kami rito. Tapos na kasi sila ni Sarah nang ligawan niya si Cristine. Ang kaso, si Sarah ang hindi maka-move on kaya problema na niya iyon.

Kung talagang mahal niya si Rayver, dapat ipinaglaban niya ito sa kanyang over-protective na mga magulang para sumaya naman siya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Jodi Sta. Maria, shocking ang eksena indie film!

Leave a Reply

Your email address will not be published.