Jodi Sta. Maria, parang ‘di tumatanda

1 Jodi-Sta-MariaHASHTAG ALAM na kumbakit nananatili palang bata ang mukha at hindi tumatanda si Jodi Sta. Maria. Alagang Flawless pala ang misis ni Ser Chief. Kaya nga ang owner ng Flawless Skin Clinic na si Ms. Ruby Cuyuto ay excited na excited dahil Flawless Kapamilya na si Jodi.

Matatandaang naging Flawless endorser din noon si Judy Ann Santos, Ms. Lorna Tolentino at kung hindi kami nagkakamali ay-hold your breath-Tito Butch Francisco whether you like it or not.

Kaya rin pala hindi nananaba itong si Jodi at nananatiling sexy, dahil bukod sa in love siya sa kanyang boyfriend na si Jolo Revilla ay mahilig pa siyang magpa-flat ng tiyan sa Flawless.

Juice ko, payagan kaya kami ni Doc Vicki Belo na magpa-flat din ng tiyan sa Flawless? Hahaha!

Kung hindi kami nagkakamali, may 14 branches in Metro Manila and provinces ang Flawless, kaya kung curious kayo, pasyalan n’yo ang kanilang website https://flawless.com.ph/clinics.

In fairness, meron kaming dalawang friends na nu’ng araw na baku-bako ang mukha nila, aba, ngayon, ang mga lola n’yo, kakikinis na. And when I asked them kung saan sila nagpapa-facial, ang sagot nila, “Flawless Megamall.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.