Jodi Sta. Maria, nahirapang makawala sa character ni Maya

Jodi-Sta-MariaSI EULA Valdez ang naunang gumanap na Amor Powers sa original na Pangako Sa ‘Yo. At aminado si Jodi Sta. Maria na may pressure ngayong siya ang nagpu-portray ng nabanggit na karakter sa remake ng iconic teleserye ng ABS-CBN.

“At first hindi ko talaga alam kung paano ko siya gagawin,” aniya. “Natakot talaga ako. Kasi napaka-iconic. Napakalaking karakter ni Amor Powers. Pero  binigyan naman kami ng liberty ng aming mga direktor at creative team para bumuo ng bagong character. Hindi kami sinabihan na kailangang ihalintulad namin do’n sa previous character.

“No’ng umpisa, ginawan namin siya ng parang character map. Na… paano ba si Amor kapag natatakot? Paano siya kapag na-in love? Paano siya as a sister, as a daughter, as a friend. So, binuo lahat ng emosyon. Sina Direk Olive (Lamasan) at ang creative team… umupo kami lahat talaga doon.”

Mahabang panahon na ginampanan ni Jodi ang karakter ni Maya sa Be Careful With My Heart kaya hindi madali for her na makakawala rito.

“It took a while,” pag-amin niya. “Talagang binantayan ako ni Direk Olive. Kapag may nakikita siyang Maya, kailangan naming ulitin ulit. Or there was one time na… si Maya na ‘yan, alisin mo muna.”

Hindi muna raw siya tatanggap ng pelikula o anumang ibang projects sa ngayon.

“Parang ang feeling ko, magpu-focus muna ako rito sa Pangako Sa ‘Yo. Kasi gusto kong maibigay ang all ko rito sa project.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleCoco Martin, nagpakalbo para sa bagong action-serye
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 68 June 1- 2, 2015

No posts to display