Jodi Sta. Maria, nagulat sa kasal nila ni Jolo Revilla!

NGAYON PA lang ay excited na si Jodi Sta. Maria sa film version ng kanyang teleseryeng Be Careful With My Heart na magiging official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2013 na ididirek ni Jeffrey Jeturian.

“Pinaghahandaan na namin ng buong cast at ni Ser Chief ang movie version ng Be Careful With My Heart. Tamang-tama dahil para ito sa MMFF at Christmas pa, kaya pampamilya ito,” say ni Jodi.

Samantala, kinumusta ng press kung annulled na ba ang kasal nila ni Pampi Lacson?

“I can not say anything about it dahil nasa proseso pa ang lahat. Kung may result na, hindi ko naman… hindi puwedeng ibalita, ‘di ba?”

Hinihintay raw kasi ng boyfriend niyang si Jolo Revilla ang kanyang annulment para maplano na ang kanilang kasal?

“Ay, kasal agad! Malayo pa ‘yun. Nag-usap naman kami ni Jolo and we’re okey with our relationship. ‘Yung kasal, matagal pa ‘yun.”

May nagtanong din kay Jodi kung gusto ba niyang mag-comment sa nalalapit na panganganak ni Iwa Motto na ang ama ay kanyang extranged husband.

Ngumiti lang si Jodi at saka sinabi na iba na lang ang itanong dahil wala siyang puwedeng i-comment kasi nakapag-move on na raw siya.

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Jodi Sta. Maria, nagulat sa kasal nila ni Jolo Revilla!

Leave a Reply

Your email address will not be published.