Jodi Sta. Maria, inabangan ng fans ang panganganak

Jodi-Sta-MariaIBA PALA ang hatak sa viewership ng Be Careful With My Heart na bida sina Ser Chief at Maya.

Mula nang lumipat kami pansamantala ng tirahan sa bahay ng kapatid ko sa Barangka Itaas sa Mandaluyong, doon namin naradaman na totoo ang sinasabing pananahimik ng maingay na komunidad ng mga ina, mga anak at mga matatanda na nasa kanya-kanyang bahay lang, na ang dating may kaingayan na kalye ay nananahimk kapag palabas na ang show.

Noong Miyerkules, nanganak na ng kambal si Maya played by Jodi Sta. Maria. Boy and girl ang anak ng mag-asawa, ayon sa kuwento ng kaibigang Sylvia Sanchez sa amin. Mula nang maging stay-home person ako because of my recent accident, halos panonood ng telebisyon ng kasama ko para hindi mainip aside from surfing the net at pagpe-Facebook.

Maging si Ibyang, bilib sa hatak ng show sa mga fans. “Lalo na sa mga nanay at mga dalagita. Daming mga fans. Maging ang mga maton sa kalye, break muna sa toma nila at pagtambay para manood,” sabi niya sa amin.

Maging ang nanay ko at labandera nila, stop muna sa work sa paghahanda ng pananghalian para manood si Taba, tawag sa labandera dahil mataba ngang tunay, stop muna sa pagkuskos ng maduduming mga damit para lang umupo sa harap ng television set para kahit panandalian. Sa hirap ng ginagawa niya ng pagkusot ng mga puting damit para pumuti, ang show pampa-relax para sa pangkaraniwang tao.

Nagre-react sila sa mga eksena. Nagbibigay sila ng kanilang komento sa mga pag-ire ni Maya habang inilluwal ang kambal. Dinig ko na reaction ng kapitbahay ng sister ko: “Masakit ang pagle-labor lalo na sa unang panganagak. Kaya kayo mga bata, tigilan n’yo na ang paglalandi d’yan sa kanto,” voice over niya.

Mabuti at naging CS (caesarean section) ang pagluluwal ng kambal na ang presyo ng CS ay napag-usapan ng makakapitbahay after the show.

Sa takbo ng kuwento, matagal-tagal pa sigurado ang buhay na itatakbo ng palabas lalo pa’t nadaragdagan ang mga manonood, lalo na ako na mula noong Lunes nagsimula nang tumutok sa palabas at sa iba pang palabas ng Kapamilya Network tulad ng Mirabella, Dyesebel at Ikaw Lamang at ang kapatid ko at mudra tutok naman sa The Legal Wife at sa bangayan nina Angel Locsin at Maja Salvador.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Jodi Sta. Maria, inabangan ng fans ang panganganak

  1. Pingback: Jodi Sta. Maria, inabangan ng fans ang panganganak - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.