Jodi Sta. Maria, handang umibig, pero ‘di magpakasal

SOBRANG PATOK sa mga manonood ang daytime series na Be Careful With My Heart. Inaabangan ng lahat ang mga nakakakilig at nakatutuwang tagpo sa pagitan nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap). Since it was first aired on ABS-CBN, hindi na maawat ang patuloy na pagtaas ng ratings nito. Kaya naman hindi nakapagtataka na extended ito hanggang February 2013.

Ayon sa artikulo sa ABS-CBNnews.com ay sinabi ni Jodi when she guested on Kris TV na hindi niya inakalang magiging hit ito sa publiko. “Hindi talaga namin ini-expect kasi noong nagsimula iyong show, parang experimental lang siya. Ultimo iyong love team namin ni Papa Chen. So iyon, pinaniwalaan lang namin talaga iyong konsepto.”

Lutang na lutang ang husay sa pagganap ni Jodi sa series bilang yaya ng bunsong anak ni Richard. Napaka-natural ng kanyang akting.

Samantala, napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa puso ay kumusta na ba ang estado ng puso ni Jodi ngayon? Handa na ba siyang muling magpakasal kung saka-sakaling ma-annul na ang kanyang kasal?

“Siguro wala akong problema sa pagmamahal ulit. Pero iyong sa pagpapakasal, parang hindi pa talaga siya sumasagi sa isip ko na once na makuha ko ang papel ko ay magpapakasal na. Hindi ba parang ang kulit, kaka-annul tapos kakasal ulit? So hindi pa, wala pa doon,” sagot niya.

Kuwento pa niya, wala siyang pinagsisisihan sa kanyang desisyon na magpakasal nang maaga. “Hindi rin naman. Parang feeling ko what feels right, hindi ba? Hindi mo naman masasabi na porke’t 22 years old kang ikinasal ay masyadong maaga. May mga bagay lang siguro na hindi nagwo-workout. Kasi bakit naman meron iyong kinakasal nang mas maaga ay nagkakasama nang matagal. Things happened so iyon na lang masasabi ko.”

Abala man si Jodi sa kanyang anak at sa gumagandang takbo ng kanyang showbiz career ay hindi pa rin niya nakakaligtaan ang kanyang pangarap na maging isang doktor balang araw. “Wala naman sa edad iyong pag-aaral, hindi ba? Hanggang kaya ko. Hindi ba hanggang may buhay may pag-asa? So nandoon pa rin ako, hindi

ko pa rin

siya bini-bitiwan.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.