Jodi Sta. Maria, deadma lang sa pagbubuntis ni Iwa Moto

MASAYA SI Jodi Sta. Maria dahil sa patuloy na pagdating ng mga biyaya sa kanyang buhay. She is now reaping the fruits of her hard work. Sabi nga, kung may tiyaga ay may nilaga. She has been in the industry since 1999. Her series Be Careful With My Heart is skyrocketing in the ratings game. Dahil dito ay magkakaroon ng world tour ang cast para bisitahin ang mga kapamilya natin around the world.

“Sobrang excited kami. Marami talagang nagre-request na mga kababayan natin sa ibang bansa na pumunta kami roon. Heto na iyong time na mapagbibigyan natin sila,” sabi ni Jodi.

Maliban sa kanyang successful career ay maganda rin ang takbo ng kanyang buhay pag-ibig. She is being linked with Jolo Revilla at tila mas nagiging open na sila sa kanilang relasyon. It seems like there’s an indication of their “more than friends” status when Jodi posted on Instagram a photo of them na nagdi-dinner. Ayon kay Jodi ay marami silang kasama pero na-crop sila sa photo.

Wala namang problema kung saka-sakaling may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nina Jodi at Jolo dahil boto raw sina Sen. Bong at Cong. Lani sa kanilang relasyon – bagay na ipinagpapasalamat ni Jodi.

Lantaran din ang pagtawag sa kanya ni Jolo ng ‘love’ sa Twitter when he congratulated her for being the cover girl of a magazine. Bukod dito ay sinabihan din siya ni Jolo ng “love yah’ sa Twitter. Kung hindi pa ito mga ebidensya na magpapatunay sa kanilang magandang pagtitinginan ay ewan ko na lang kung ano ang maitatawag mo sa mga ito?

Gaya ng lagi kong sinasabi, you have to read between the lines sa mga binibitiwang sagot ng mga ini-interview dahil ayon nga sa kasabihan, “Action speaks louder than words.”

Meanwhile, Jodi opted not to comment and only smiled when she was asked about her reaction regarding the issue that Iwa Moto is pregnant with Pampi Lacson’s baby.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Jodi Sta. Maria, deadma lang sa pagbubuntis ni Iwa Moto

Leave a Reply

Your email address will not be published.