Jodi Sta. Maria, close sa misis ni Richard Yap

MAGKAKAROON PALA ulit ng concert ang phenomenal box-office star na si Vice Ganda sa darating na May 17 sa Araneta Coliseum.

Ito ang ikatlong major solo concert ng komedyante sa Big Dome since 2010 and 2011. Vice Ganda: The Trending Concert ang working title ng kanyang big concert this year. Next week pa raw mapa-finalize ang repertoire at ang mga magi-ging guests nito.

In the meantime, ilo-launch muna ang second self-titled album ni Vice on Sunday on ASAP 18 na may seven or eight songs, under Star Records.

Karakaraka ang carrier single ng bagong record album ni Vice kung saan may participation ang bagong filptop/rap group na Smugglaz na tinutulungan n’yang makilala nang husto.

Ang alam nga namin nu’ng una, makakaroon din sana ng collaboration sina Vice at ang sikat nang fliptop artist/rapper na si Abra para sa nasabing album.

Nu’ng Linggo ay nag-celebrate ng kanyang 37th birthday si Vice kasama ang kanyang pamil-ya at ilang malalapit na kaibigan sa bahay n’ya.

Sinurpresa rin daw si Vice ng kanyang mga non-showbiz friends nu’ng Black Saturday sa isang club malapit sa ABS-CBN upang salubungin ang kanyang kaarawan.

 

NANG MAKASABAY namin si Mickey Ferriols sa elevator ng ABS-CBN papunta sa press conference ng kanilang teleserye na Little Champ, masayang ibinulong nito sa amin na nagkabalikan na raw sila ng kanyang boyfriend na non-showbiz.

Tinanong namin ang aktres kung ang tinutukoy nito ay kanyang childhood friend na naging jowa n’ya rin na naikuwento rin n’ya sa amin noon.

Pero ang sagot agad sa amin ni Mickey ay: “Hindi. ‘Yung kapatid ni Korina (Sanchez).”

Pagkasabi nito sa amin ay isang matamis na ngiti na lang iniwan n’ya sa amin at nagpaalam kasama ang kanyang anak kay Archie Alemania na si Brent.

 

NAKAKATUWANG PANOORIN na habang nagre-rehearse ng kanilang mga duet numbers sina Jodi Sta. Maria a.k.a Maya at Richard Yap a.k.a. Ser Chief sa stage ng Dolphy theater sa loob ng ABS-CBN para sa kakatapos lang na Be Careful with My Heart Middle East tour nila ay nakaupo sa bandang gitna ng audience seats ang asawa ng huli na si Melody Yap.

Sa pagkaaliw n’ya sa panonood sa kanyang asawa at sa leading lady nito ay napapakanta pa s’ya sa mga ‘80s songs na pina-practice ng dalawa.

Tinanong pa nga namin si Melody kung ano ang theme song nila ni Richard. “Wala. Nu’ng araw naman, ‘di uso ‘yon,” sagot ni Mrs. Yap.

Ang nakakatuwa pa, sabay pang namili at bumili ng tig-isang designer bag sina Melody at Jodi nang may bumisitang empleyado ng ABS sa gitna ng rehearsals na nagbebenta ng mga signature label na bags.

Kagabi, Tuesday, lang dumating ang grupo nila mula Abu Dhabi at Dubai.

Photo courtesy of Francis Simeon

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

5 thoughts on “Jodi Sta. Maria, close sa misis ni Richard Yap

Leave a Reply

Your email address will not be published.