Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, nagliwaliw sa Boracay!

TSIKA NG aming friend na kasalukuyang nasa Boracay ngayon, nakita raw niya sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria sa Bora na sobrang sweet. Nasa Discovery Shores daw ito nag-stay pero hindi lang niya alam kung ilang araw ang dalawa roon.

Hindi man nila inamin publicly na sila na nga, wala naman sigurong masama dahil pareho namang single sina Jolo at Jodi. ‘Yun nga lang, pareho silang may anak sa iba, pero bagay rin naman sila. Kung saan hahantong ang relasyon nilang ito, sana sa maganda na, dahil hindi na rin sila parehong bata.

 

KUNG SI Solenn Heussaff ay kuntodo hubad sa isang magazine, hindi rin nagpahuli ang kapwa niya Kapusong si LJ Reyes. Sa February issue ng FHM, parang nanibago kami kay LJ dahil hindi na ito nagpatumpik-tumpik pang ipakita ang pisngi ng kanyang dibdid at ang kanyang behind.

Sa mga panayam namin dati kay LJ, kapag tinatanong namin siya kung ready na ba siyang mag-pose sa mga men’s magazine, laging sagot nito, hindi pa raw niya alam. Pag-isipan daw niyang mabuti lalo at may anak na sila ngayon courtesy of Paulo Avelino.

Pero sa mga larawan sa FHM, tila handang-handa na si LJ sa sexy roles and photo-shoots. Well, nakakalaway pa rin naman ang alindog niya (nakakalaway daw oh!) Oh, boys abangan n’yo ha? Malapit nang lumabas ang mga mapanuksong kuha ni LJ sa FHM’s February issue.

Ano kaya ang masasabi naman ni Paulo tungkol dito? May blessings kaya sa kanya ang pagbubuyangyang ng kanyang live-in partner? Sa bagay, may taste naman ang cover. ‘Yun  na!!!

 

NAKAKUWENTUHAN NAMIN si Baron Geisler lately lang at inusisa namin ito tungkol sa kanyang naranasan noong nakulong siya nang ilang oras last year sa Station 5, Fairview. Nangyari ito nang diumano ay nakaalitan niya ang kanyang kapitbahay na may sari-sari store na si Raymond dela Rosa nang dahil lamang sa ‘tinapay’.

Say nito sa amin, grabe raw ‘yung mga nakita niya sa loob. As in hindi raw niya masikmura ang kanyang mga nasaksihan lalo na noong may bagong pasok na inakusang nang-rape dahil iba raw ang ipinagawa ng mga nasa nakakulong doon sa sinasabing rapist. Saad niya, “Nakakatakot, nakakadiri, parang pakiramdam ko parang animal ako na kinulong parang ganu’n.”

Hindi raw niya maisip kung anong buhay meron sa loob ng selda kapag magtagal pa siya roon. Kuwento niya, “Nakapanliliit siya talaga actually. Sobrang na-disturb ako sa loob, as a human being, talagang may mga nakita akong hindi ko kayang sikmurain doon. May isang rapist du’n, umiiyak, binubugbog ng mga kapwa nakakulong. Nakaka-disturb kasi hindi mo alam baka anytime ako naman ‘yung  ganunin, ‘di ba?

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang medications ni Baron at nangako itong hindi na gagawa ng mga bagay na labag sa batas dahil never again daw na gustuhin pa niyang mapasok ulit sa piitan.

Well, Baron, sana mapanindigan mo na ‘yan at sayang ang oportunidad na nag-aabang sa ‘yo sa labas. Good luck!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, nagliwaliw sa Boracay!

  1. OK lang na mag Boracay si Jodi kasama ag love interest niya. She deserves a break. Mami miss namin ang BCWMH dahil malapit na rin itong magtapos. However, meron namang kapalit. Ang Kahit Konting Pagtingin ni Angeline Quinto, Sam Milby at Paolo Avelino. Nakakaaliw ang KKP. Aabangan namin lagi ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.