Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, ‘di na malayong mauwi sa kasalan!

BONGGA NA talaga itong My Husband’s Lover nina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez, huh! Ang ingay-ingay na, kasi pati ngayon ang simbahan nakikialam na.

Naglabas ng statement ang CBCP na imoral daw itong My Husband’s Lover kaya dapat daw na pag-aralan ito nang mabuti ng GMA-7.

Siyempre ang daming nag-react na mga sumusubaybay sa drama series na ito ng GMA-7 dahil ang laking kaipokritohan naman daw ito na ang katatawanan lang ang itinuturing nilang kabadingan.

Nakakaloka nga naman! Hanggang katatawanan na lang ba ang puwedeng isalarawan sa mga bading? Hindi puwede ang mga seryosong kuwento nila?

Pero sa totoo lang, mas lalo pang pinapaingay ng CBCP itong My Husband’s Lover kaya ang dami tuloy naku-curious kung ano ito.

Aware ang GMA-7 sa maselang tema na ito ng My Husband’s Lover at binibigyan ito ng MTRCB ng reminder na dapat may self-regulation sila sa programang ito. Kaya nga madalas na naglalagay ng SPG kapag naka-ere ito.

Ang dami ngang sumusubaybay at talagang pinag-uusapan ng hindi lang mga bading kundi pati mga kababaihan.

Sinasabi talaga nila na ang dami raw nakare-relate, kaya tinututukan nila ito.

Ang isa tuloy sa napagdiskitahan ay si BB Gandanghari dahil parang kapareho raw ito sa kuwento nila ni Carmina Villaroel.

Nu’ng nag-guest daw si BB sa Unang Hirit, ‘yun ang mga tinanong sa kanya, at tawa lang daw ito nang tawa.

Ayaw na raw niyang pag-usapan dahil tapos na raw ‘yun, at matagal nang kinalimutan itong bahagi ng buhay ni BB.

Kunsabagay, pinatay na ni BB ang katauhan ni Rustom Padilla, kaya ayaw na niyang pag-usapan ‘yun, dahil buhay naman ‘yun ni Rustom.

Dahil sa ingay nitong My Husband’s Lover, lalo itong lumalakas sa viewers at baka tatagal pa ito, ‘day!

 

MASAYA NAMAN ako para kay Jolo Revilla dahil nakikita namang botong-boto ang mga tao sa relasyon nila ni Jodi Sta. Maria.

Talagang bahagi na ng Pamilya Revilla si Jodi dahil nu’ng nanumpa si Jolo bilang vice-governor ng Cavite nu’ng nakaraang Martes, present talaga si Jodi para magbigay-suporta sa kasintahan.

Doon na nga sinabi ni Jolo sa publiko kung sino si Jodi sa buhay niya. Nagtilian ang mga taga-Cavite nang sinabi niyang ang tanging babaeng nagpapatibok ng puso niya.

Sabi pa niya, tiyak daw niyang siya si Ser Chief sa tunay na buhay ni Jodi.

Ang daming kinilig, ha! At isa sa natutuwa sina Bong at Lani dahil nakikita naman daw nilang si Jodi ang nagpapasaya sa kanilang anak.

Sabi ni Lani, hindi na raw sila magugulat kung isa sa araw na ito ay magpapaalam na sila na magpapakasal.

Sabi ni Jolo, darating ang araw na magsasalita rin daw sila at sasabihin daw nila ang dapat nilang sabihin sa tamang panahon.

I’m sure, kasal na ‘yung tinutukoy nila at malamang inaayos lang talaga nila na clear na si Jodi sa annulment nila ni Pampi Lacson.

Mukhang ganu’n na rin naman kaseryoso ang relasyon ng dalawa, kaya sana nga tuluy-tuloy na ito, dahil nakikita namang masaya silang dalawa.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwento naming ito, at kung ano ang sasabihin naming mga host sa relasyon ng dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

14 thoughts on “Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, ‘di na malayong mauwi sa kasalan!

  1. hayaan niyon lng kasi sila. kung sila, sila talaga kahit gaano man kapangit angpast nila at mga mukha nila o gaano man kaganda ito. If they love each other, then they deserve each other…cnu ba naman tau para magsabi na they doesnt deserve each other?

  2. sya daw ang tunay na SC ni Jodi, Ano ba yan wala bang salamin sa balay nyo ? baka hindi kasya ang mukha mo. ang layo mo kay Richard Yap. jolo wala kang look and no brain. hahah

  3. NAKU, ‘DI KAYA NANGGAGAMITAN LANG ANG DALAWANG YAN? AT ANG ALAM KO ITONG SI LANI MERCADO AY PLASTIKADA KAYA EWAN KO KUNG TALAGANG TANGGAP NIYA SA LOOB NIYA SI JODI PARA KAY JOLO HAHA!

  4. Walal nang lalake sa mundo Jodi. parang naubosan kana. respisto lang sa sarila jod. anaka kalang yan. mga revilla cheeeeeeeeeeeeeeee.

    • KAW NAMAN, TEH. PARA NAMANG VIRGINAL SI JODI. EH MAY JUNAKIS NA RIN YAN. SO, THEY DESERVE EACH OTHER, I THINK. HAYAAN MO NA SILA. PARANG WALA LANG. DEVAH?

  5. sila sila lang ang kinikig. walang kwenta ang trapo na yan. mag exercise ka jolo lapad nang mukah mo. para chopping board. hindi kayo bagay ni Jodi.

    • HAHAHAHA. ARAY KOH! CHOPPING BOARD TLG, TEH? HAHAHAHA. WELCOME TO THE CLUB DAW NG MAPAPANGA AT SIOPAO. HAHAHAHA. KALOWKAH!

  6. Kung magpapakasal si Jolo at Jodi ,,maaprubahan naman kaya ni Tongresswoman Lani “PLASTIC” Mercado yan? 

Leave a Reply

Your email address will not be published.