Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, ‘di na itinatago ang relasyon!

HINDI NA rin naiwasan, open na rin sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria sa relasyon nila at kinilig lalo ang mga taga-Cavite nang mag-perform siya roon sa Bacoor kasama ang ibang cast ng Be Careful with My Heart.

Fiesta kasi ‘yun sa barangay ni Jolo na pinagbigyan naman ni Jodi at mga kasamahan nito sa drama series nila kaya masayang-masaya ang mga taga-Cavite sa sweetness nilang dalawa.

Siyempre suportado ni Jodi si Jolo lalo na ang pinasok nitong politicial career kaya pinaunlakan nito ang imbitasyon ng alaga ko.

Ang sweet naman ni-lang tingnan na kinilig ang mga tao nang kumanta si Jodi at pinupunasan ito ni Jolo. Masaya naman sila at tahimik lang naman sila sa relasyon nila kaya masaya na rin ako para kay Jolo.

Siyempre mas masaya riyan siyempre sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado na nakikita naman nilang inspired ang anak nila at pursigido ito sa pagsilbi niya sa mga taga-Cavite.

 

ANG ISA pang open na rin ang relasyon ay sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Nakunan ng Startalk ang pagdating nila nu’ng Sabado galing sa ilang araw na bakasyon sa Hong Kong.

Umiwas sa interview si Sen. Chiz, kaya si Heart na ang humarap at nagpa-interview.

Sabi ni Heart, masaya naman daw siya kay Sen. Chiz at lalo raw silang nag-bonding sa huling bakasyon nila sa Hong Kong at nagpasyal din sila ng isang araw sa Macau.

Pero kumpara sa mga nakaraang niyang relasyon, mas gusto na raw niyang tahimik na ngayon at iniiwasan na niyang lagi itong pag-usapan.

Siyempre, hindi maiwasang intrigahin pa rin sila na may mga ibang nagdududa kung totoo na ba talaga ang relasyon ‘yan.

May ilang nagdududa na baka gagamitin lang daw si Heart sa political career ni Chiz, pero ipinagkibit-balikat lang ito ng actress niya.

Sabi nga niya, hindi nga raw siya sinasama ni Sen. Chiz sa mga event nito dahil ayaw nga niyang pagbintangan siyang ginagamit lang si Heart.

Sabi lang ng aktres, hindi raw kasali ang pulitika sa relasyon nila. “Hayaan mo ang mga nang-iintriga. Hindi naman sila ang kinikilig eh,” sagot nito nang nakapanayam ng Startalk. O, ‘di ba? Mukha namang in love!

ITO NAMANG si Gladys Guevarra, super-emote sa interview ni Paolo Contis sa Startalk.

Akala yata nito siya ang pinatatamaan ni Paolo sa sinabi niyang mga kaibigan na nagsusulsol kay Lian kaya lalong lumala ang gulo.

May patutsada pa si Paolo sa mga sinasabi niyang kaibigan na nakinabang naman daw sa mga nagastos niya noon, pagkatapos ngayon kung anu-ano na ang mga sinasabi nila sa nangyari sa alaga ko.

Eh, si Gladys ang unang nag-react na hindi naman pala siya ang tinutukoy. Kaya nu’ng tumawag ito kay Paolo, tinanong lang siya kung ano ang problema nito.

Nagkaliwanagan na silang dalawa at siguro nalinaw naman sa Gladys na ‘yan na wala siyang kinalaman du’n.

Ewan ko lang kung ano talaga ang napag-usapan nila ni Lian, ha? Hay naku! Siguro manahimik na lang siya dahil ang mas inaasikaso ngayon ni Paolo ay ang problema nila ni Lian at kung paano nila ito maayos alang-alang sa kanilang dalawang anak.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.