Jodi Sta. Maria at Iwa Moto, nagkasundo na alang-alang sa kani-kaniyang anak kay Pampi Lacson

Jodi-Sta-Maria-Iwa-MotoALL’S WELL that ends well. Ito ang napatunayan sa kaso nina Jodi Sta. Maria at Iwa Motto.

Matatandaang almost two years after Jodi and Pampi Lacson separated, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Jodi and Iwa. The sexy actress also expressed her hurt whenever she was called a mistress and home-wrecker because of her relationship with Pampi. Jodi held her ground and remained silent despite stinging comments from Iwa.

But everything changed after Iwa gave birth to her daughter Eve. Isinilang ni Iwa ang anak nila ni Pampi last September 23. Tila biglang nabago ang pakikitungo ng dalawa.

In an interview with entertainment blogsite PEP.ph, Iwa admitted na nagkasundo na sila ni Jodi alang-alang sa kapakanan ng kani-kaniyang anak kay Pampi. Jodi even reached out to Iwa by sending her a breastfeeding book. Nabuksan ang line of communication nila sa isa’t isa nang mag-text si Iwa kay Jodi para magpasalamat.

Aminado si Iwa na binago siya ng pagiging ina at nagpahayag ng pagsisisi sa mga masasakit na salitang ibinato niya noon kay Jodi.

Sa ngayon ay nasa proseso na ng annulment ang kasal nina Jodi at Pampi.

Ang pagkakabati nina Jodi at Iwa ay isang magandang balita lalo pa’t malapit na ang Kapaskuhan. This is what Christmas is all about – reconciliation. Sabi ko nga sa Buzz ng Bayan, iba rin talaga if you are in a good place. Masaya, stable, at secure ka. Parang lumiliwanag ang pananaw mo sa buhay.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Jodi Sta. Maria at Iwa Moto, nagkasundo na alang-alang sa kani-kaniyang anak kay Pampi Lacson

  1. Pingback: Jodi Sta. Maria and Iwa Moto are now in good terms | Iwa Moto - Fan Blog With Pictures And Videos

Leave a Reply

Your email address will not be published.