JODI STA. MARIA, ‘DI RAW PAPATOL SA DYOWA NI IWA!

BAKIT kaya hindi pa rin mamatay-matay ang isyung kasal na raw talaga sina Iwa Moto at ang non-showbiz boyfriend nitong si Mickey Ablan? May mga naglabas na ng kopya ng marriage contract na kunsaan ikinasal daw sila sa Silang, Cavite.

Hinahamon ni Iwa na ilabas ang authenticated true copy ng marriage certificate dahil talagang wala raw.

Consistent siya sa pagdi-deny, at sa katunayan, hanggang ngayon ay break pa rin sila at hindi pa nakumbinse ni Mickey ang seksing aktres na makipagbalikan. Ayaw nang magsalita ni Iwa dahil ayaw na raw niyang palakihin ang isyu ng break-up nilang dalawa.

Ang latest nga, umuwi na raw si Iwa sa bahay niya sa Las Piñas. Nagli-live in ba sila dati?

Pero talagang desidido na raw si Iwa na makipaghiwalay, kaya lang, araw-araw naman itong pinupuntahan ni Mickey at sinusuyo para magkabalikan sila. Binabantayan pa raw niya ito sa taping ng Dwarfina. Tingnan na lang natin kung lalambot din ang puso ni Iwa.

Hindi pa rin nagsasalita si Iwa kung sino itong Kapamilya talent na tinutukoy niyang nanggulo sa relasyon nila ni Mickey. Pero may mga naglabasan nang si Jodi Sta. Maria daw ang tinutukoy niya.

Teka! ‘Di ba may asawa si Jodi? Natuluyan ba silang maghiwalay ni Pampi Lacson?

Naku, ha! Ang gulo na yata! Pero matigas daw na itinatanggi ito ni Jodi dahil hindi naman daw niya papatulan si Mickey. Nagkakilala raw sila, pero wala raw namagitan sa kanila at wala raw sa ugali niyang mang-agaw ng boyfriend ng iba.

Abangan na lang natin kung kailan uli magsasalita si Iwa.

Abangan n’yo bukas sa Startalk ang interview namin kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Kris Aquino pa ang nag-interview sa isang event. Naging open ang dalawa sa kanilang relasyon at ang dami nilang rebelasyong inamin kay Kris.

Tuwang-tuwa nga raw si Kris dahil naging open daw ang dalawa sa kanya. Nagulat nga ang mga reporters dahil ang tipid-tipid sumagot ni Jennylyn, pero pagdating sa TV host-actress, naging open siya. Nahiya yatang mag-‘no comment’ kay Kris, kaya sinagot niyang lahat ng mga tanong nito.

Malapit na ang Valentine’s Day at may plano raw sina Jennylyn at Dennis kung paano nila i-celebrate ang araw na ‘yon.

Abangan n’yo na lang bukas ang kabuuan n’yan sa Startalk.

Nag-react naman ang da-ting personal assistant (PA) ni Jennylyn na si Mel Pulmano nang napanood nito ang interview ng aktres sa Startalk.

Ang sabi ni Mel, bakit daw masama pa ang loob ni Jennylyn, siya nga itong nakakulong pa rin hanggang ngayon. Kahit naabsuwelto kasi si Mel sa kasong isinampa ni Jennylyn, meron pang dalawang kasong naka-pending na isinampa naman ni Becky Aguila.

Mahaba pa ang palitan nila ng pahayag dahil itong si Becky ay may in-email din sa amin na statement na kung saan idinetalye nito ang lahat ng mga panlolokong ginawa sa kanila ni Mel.

Tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng kasong ito.  Kahit ano man ang maging resulta nito, nagdusa na rin si Mel dahil ilang taon na rin itong nakakulong.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

5 thoughts on “JODI STA. MARIA, ‘DI RAW PAPATOL SA DYOWA NI IWA!

  1. even me,,kakagulat naman ang isyu na yan if si jody ang girl na tinutukoy ni iwa,,,diba,,di pa kase sabihin sino iyon,,diba,,,idamay ba si jidym,,SHOW THE PROOF iwa,,yan ang labanan now,,hehe..wala kang proof,,mababalewala iyan,,e mas magnda ang image sayo ni jody na si iwa ay isang malaswang starlet ang tingin ng tao,,if wala kang proof wala din,,

    kase,naman,,wala yata sa personality ni jody ang maglandi,,o mang agaw ng bf na binatang ama pa,wahaha,e maayos naman sila ni pampi,,natural lang ang tampo blues,,diba,,sana magsalita na si iwa at si jody sa isyu,isa itong kasiraan sa pamilya ni jody,sa kanya at kay pampi din,,,

    well,mas boto padin kami kay JEN AT PATRICK,,sana,,,,,mahirap ang parehas na may anak sa labas if sakaling magkatuluyan si jen at den,,,mahirap iyon,,,,baka hiwalayan din ang hantong,,now?masaya sila,,isipin nila yung sa gitna ng relasyon,,diba,,,if sinusuyo ulit ni pat si jen,,go girl1ama iyan ng anak mo,,,kita naman na gusto nyo pa isat isa,,

      • ako din,,daming nagtaas ng kilay bakit naisangkot si jody sa ganitong isyu sa showbiz e itong babae na ito kilalang tahimik,just working decently at proffesionaly,,,saka,,siguro may tampuhan sila ni pampi pero ok na yata,,,bakit papatol si jody sa gaya ni mickey na sino sya na binatang ama???heheheheh,.diba,,di kilalang malandi na babae si jody,,,sana malinis nya name nya,,kase itong si iwa ang lukaret at nagpapadyug sa bf nya,,,at nag lilive in na sila,,may credibilidad ba sya,,teka,,does iwa,,told already na si jody nga,,?/wwahahhaahhaha,,,welll,,,iwa,,umayos ka,,kase jan palang niloloko ka ng bf mo,,pano pa kung tlagang mag asawa na kayo,w,ala na,,,itatapon ka nya gaya sa nabuntisan nya,,wahahhah

      • Ako rin. I was watching the latest episode ng Pinoy Parazzi Live sa Flippish.com na ang guest nila ay si Jef Gaitan ba yon at may pinasabog si Tita Swarding doon about Iwa Moto. Mas kampihan ko si Jody Sta. Maria. Tssskkk Tssskkk, Tssskkk, nagamit na naman si Jody.

  2. Pingback: Tweets that mention JODI STA. MARIA, ‘DI RAW PAPATOL SA DYOWA NI IWA! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.