Jobless na Kelot, Nagbigti

HINIHINALANG ANG pagiging jobless at madalas na pagtatalo dahil sa kawalan ng sapat na panggastos ang nagtulak sa isang 34-anyos na lalaki upang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti, sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Edison Catalona, walang trabaho, ng # 26 B, Dagupan Ext., Tondo, Maynila.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng live-in partner na si Michelle, na wala sa tabi ang biktima kaya hinanap ito at natagpuang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay gamit ang nylon cord.

Inamin ni Michelle na siya lamang ang nagtatrabaho para sa kanilang araw-araw na panggastos na hindi naman kasya kaya nagtatalo sila ng kinakasama dahil wala itong mahanap na trabaho.

Desperado na sa buhay at insecure uma-no ang biktima dahil pinakakain lamang siya ni Michelle.

Samantala, naniniwala naman ang iba pang kaanak ng biktima na nagpatiwakal at walang foul play sa kaso kaya tumanggi silang isailalim pa sa awtopsiya ang labi nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.