JOBERT SUCALDITO AT ANDREW DE REAL, NAGKAAYOS NA!

NU’NG MIYERKULES AY inilathala natin nang buo ang paliwanag ni Andrew de Real kay Jobert Sucaldito tungkol sa panayam nito at ni Philip Lazaro sa Showbiz Central na ikinasama ng loob ni Jobert. Sa paliwanag ni Mamu sa Facebook para kay Jobert, bukas-loob itong tinangap ng huli. Narito naman ang sagot ni Jobert sa mensahe ni Andrew:

“i appreciate this post mamu. totoo ka – nagtampo talaga ako sa inyo ni philip dahil your interview, kahit ur not saying anything against me refuted what i wrote about him and justified his statements. You may not just rea-lize kung ano ang naging epekto noon sa mga sinabi ni john against me- masakit kasi ang mga pinagsasabi ni john – pati anak ko dinamay pa niya. He doesn’t own this business at trabaho lang itong sa amin.

“He must own up to his misbehaviors dahil public property siya. Philip knows na merong problema dahil tinext daw siya ni kiko about it thereafter. I don’t mind you protecting a friend pero ang masakit lang, napamahal ka na sa akin sobra kaya ako nasaktan talaga. I have to admit that. It’s my credibility which is at stake and i will never allow anyone to destroy it nang dahil lang sa walang kakuwenta-kuwentang tao like this lapus.

“Yung interview sa inyo, though how simple it may be corroborated with john’s statement and made me look tanga. I know that you may not have bad intent sa pagpainterbyu na iyon pero sana lang, yung totoo lang ang lumabas. I will not be so sure na may ganoong nangyari kung di ko nakausap mismo si kiko. he’s fuming mad talaga after that incident. nabastos daw siya dahil he had friends in the next table na nakarinig ng mga salita ni lapus.

“i’ve always been fond of you mamu and you know that. i’m also aware kung papaano mo ako inaalagaan everytime i go to library. and i truly appreciate that from the bottom of my heart. and i hope you also understand where i’m coming from. ayoko namang mapunta lang sa gutter ang 28 years kong pagpapakahirap sa negosyong ito kaya hindi rin ako makakapayag na bastusin ng isang john lapus.

“we all learn our lessons from things that have happened and i don’t know kung saan patutungo ang gulong ito. but i’m not turning my back on it- laban kung laban. but of course, ilalabas ko kayong dalawa ni philip sa kuwentong ito. rest assured. nasaktan lang ako sobra kaya nakapag-react ako ng ganoon.

“anyway, let’s all move on from all these. basta ako, i will always remain a friend to you no matter what. kung kay john lang, i don’t care. ikaw ang tinitingnan ko dito dahil hindi na iba ang turing ko sa iyo. i am sorry kung nasaktan ko kayo ni philip – that was a natural reaction lang siguro sa isang taong nasaktan. thanks for the post mamu. God bless. mwah!”

Matapos silang magkaayos, binura na ni Jo-bert ang kanyang post sa FB na pagtatampo kina Andrew at Philip. Masaya na kami bilang kaibigan ni Jobert at naayos na ang tampuhan nila. Ang tanong: Hanggang saan aabot ang away nina  Jobert at John?

NAGKAROON NG EXCLUSIVE pictorial si Ruffa Gutierrez para sa Belo Medical Group. Gaano na ba siya kahandang ipasilip sa publiko ang kanyang kaseksihan?

“Ready na ako, pinaghirapan ko ‘to and hindi lang ako nagpa-body tight kay Doktora Belo, talagang nag-workout ako. I believe kasi na hindi puwedeng iasa sa isang bagay ang pagpapaganda ng katawan, you also have to eat right and be healthy and workout. Handang-handa na ako para sa shoot na ‘to. I’m sure na ‘pag lumabas na ang billboards sa aming launch, talagang masi-sindak sila, kasi first time ko ‘to!” pahayag ng TV host-actress.

Dagdag pa niya, “Ang maganda pa nito, sabay ng launch ng Belo billboards ang launch ng bago kong soap opera sa TV5. It’s a powerhouse cast and I’m very excited. So, I’m very excited about that. Nagsisimula na kaming magworkshops.”

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

One thought on “JOBERT SUCALDITO AT ANDREW DE REAL, NAGKAAYOS NA!

  1. we always applauded mga humble at forgiving pipol naman,,nice moves jobert,,tama ka sa una,,na public property si john ,artista siya so,automatic na na mapupuna ka at mababatikos,..lalo an mali ang ginawa mo,,ikalawa,,tama ka,,na,,work mo lang iyan na maghatid impormasyon,,but INFORMATIVE WID CREDIBLITY AT TRUTHFULNESS,,ang nasa isip ng ibang tao,bakit pa,selos ka ba daw o baka jowa mo itong si kiko,..ganun nasa isip ng tao e,..

    di naman lahat ng tao dapat maging frens mo,o real frens,pipili ka diba,,so,if u and john just acquaintances,,so be it,,thats life!muka namang true ang isyu mo,kaya lang show the proof diba,.at last,,its something personal na ito diba,,para super manghimasok kapa,,i guess,,parehas kayo ni john mag move on at ilagay sa trash can ang isyung ito,,,walang kwenta,,kase wala lang,,,blow in the air!,magpatawaran at separate life nalang,,di naman pala kayo frens e,,,so life must goes on,,

    we hate gays na walang modo,values o breeding,,lalo na yung mga pangit na super mayabang na at insecure pa sa ibang gays,,we mus accept na may mga gays na pretty at may apil sa mga guys din lalo na sa panahon now,,e,,si john at jobert na parehas namang baklang bakla na asan ang ganda!wahahahah…kakahiya kayo,,itaas naman nyo ang image ng mga gays,alam ba ninyo na kapag dalawang bakla nag aaway,,pinag tatawanan nila lalo na dahil sa lalake,,cheap at funny nga,,wahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.