Jobert Sucaldito, ‘di aatras kay Direk Wenn Deramas!

OLA CHIKKA! NITONG mga nakaraang araw lamang ay lubos kong napagtantong hindi lang pala ako ang naabala nitong kilalang direktor. Napabalita na kasing wala na sa casting ng Tanging Ina 3: Last na ‘To! itong si Heart Evangelista dahil sa

pagiging unprofessional ng aktres. Masyadong hectic ang schedule nitong si Heart na madalas hindi mahagilap sa shooting at cause of delay pa kaya agad sinabi ng direktor ng pelikulang sibakin na ang primadonnang actress.

Hmmm… sino pa bang director ang mahilig magpatanggal ng talent? Wala nang iba kundi si Direk Wenn Deramas.

Sa bagay, kung talaga nga namang nakasasagabal sa buong production ay maari namang tanggalin ang artista, maging sino pa siya or kahit gaano pa kalaki ang kanyang ginagampanang role, hindi ba? Eh ano ba naman ang laban n’yo kapag mismong direktor na ang nagdesisyon? Wala, ‘di ba?!

Ngunit papaano kung wala ka namang ginawang masama or kasalanan, at agad-agad kang naetsa-puwera sa casting nang wala man lang pasintabi? ‘Di ba, masakit?

Sabihin na nating hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move-on sa biglaan kong pagkawala sa Petrang Kabayo na dinirek din ni Direk Wenn. Hindi n’yo ako masisisi sa sama ng loob na naramdaman ko, dahil ganu’n kabilis na lamang ang pangyayari.

At una sa lahat, hindi ako nagmakaawa para isali sa casting, kundi sila mismo ang tumawag upang ipaalam na kasali ako, ngunit ano ang nangyari? Wala na! Parang hangin lang na dumaan at parang nag-trip lamang.

Tsk, tsk, tsk! ‘Wag n’yong uulitin ‘yun… Nakaaabala kayo ng tao. Duhba?!

AT SPEAKING OF Petrang Kabayo, maging itong TV host at radio broadcaster na si Jobert Sucaldito ay nais ring ipasibak ng nasabing direktor! Ha?! Buhket?!

Don’t tell me na hindi lang movie, kundi maging radio ay diniderek na rin niya?! Ang bad ha!

Ang chikka kasi ay nang makatanggap ng text si Jobert at binalita sa radyo at sa kanyang column na talagang flopsina at nilalangaw lamang daw ang Petrang Kabayo sa isang mall, as in, bilang lamang sa daliri ng ating mga kamay ang nanood ay hinamon daw siya ng direktor at ayun, maging siya ay pinatatanggal na sa eksena.

Nang tanungin ko mismo ang ating kaibigan na si Jobert tungkol sa isyu, ito lamang ang kanyang naging sagot: “Tama na kamo’ng dakdak, suntukan na lang talaga!

Ha-ha!” Ang taray, ‘di ba? Say n’yo?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong child actress na mukhang sobrang lumaki na ang ulo ng madir dahil sa laki ng asking price para sa serbisyo ng kanyang anak ay tiyak na maloloka ka?!

Ayon sa aking parazzi girl na nagtatrabaho sa isang advertising agency, nagsadya ang mag-ina sa kanila at nagpa-VTR para sa isang kiddie shampoo.

At nang sabihin ng madir kung magkano ang rate ng kanyang junakis ay nawindang ang aking parazzi girl nang bigkasin ang tumataginting na isang milyong piso! Tamah! One M!

Malamang ay milyonarya na ang batang ito dahil sa mga labas ng bata ngayon sa telebisyon, mukha talagang in demand siya. Ngunit hindi pa naman siya ganu’n kabonggang sikat para mag-demand ng ganu’ng halaga, hindi ba?!

Tsk, tsk, tsk! Sadyang may mga over-supportive na stage mother na hindi nila alam na sila rin mismo ang nakasisira sa career ng kanilang mga anak! Kaya payo na lamang sa mga moms out there, hinay-hinay lamang sa pag-control sa inyong mga anak. Sino siya? Hay, naku! Child actress nga, ‘di ba?! Haler! Ha-ha-ha!

Ano gets n’yo na? Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays, 11:30-12 nn. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m.

AT NAIS KO RIN BATIIN NG HAPPY BIRTHDAY ANG NAPAKABUTING TAO AT NAG-IISANG  “KING OF TALK” NA SI BOY ABUNDA!! Wishing you and your dearest mother a very good health!

Thank you very much everybody and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

17 thoughts on “Jobert Sucaldito, ‘di aatras kay Direk Wenn Deramas!

  1. tangina mo swarding walang papanget pang kabayo sayo! ambisyosa ka masyado gusto mo pang mag artista wala ka naman talent puro ka kasinungalingan!

  2. Joe barrameda ang manager ni Jillian ward so eto ang nag nag negotiate ng talent fee ng bata sa kabilang station eto…

  3. itong heart na ito masyadong feeling sikat eh kundi kay bisaya wla naman career maldita talaga itong nanay ni heartmukhang pera at impokritakunwari buena familia eh ganid din sa peran…kundi kay bisaya wla naman career yan si heart eh di ba noong nasa dos sya wla naman cyang series na nag rate at wla din cyang show…..at least bisaya lantad ang pagiging mukhang pera nanay ni heart impokrita

  4. hay anku eto naman si bading na sucaldito klahat na lang pinapansin di na lang pansinin ang pangit nyang mukha

  5. I don’t think na trudis liit ito, dahil may manager siya, si Joe Barrameda, so hindi ang mudra nito ang magkikipag-negotiate para sa kanya, at marami na siyang tv commercials, sso knowing na nila ang running rate para sa mga endorsements ng bata. Baka iyong bagets ng dos ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.