Job market sa Taiwan para sa mga OFW, binuksan na

NAGBUKAS NA muli ang job market sa bansang Taiwan para sa mga Pinoy matapos tanggalin ng Taiwanese government ang lahat ng sanctions sa Pilipinas.

Ayon kay Angel Tong, presidente ng Filipino Manpower Agencies, accredited to Taiwan, Inc. (PHILMAT), tinatayang 3,000 skilled workers ang kailangan ng electric company sa Taiwan.

Sinabi ng isa sa dating factory worker sa Taiwan na sinimulan na muli nila ang pagproseso ng kanilang mga papeles para makabalik sa kanilang trabaho.

Paalala naman ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez sa mga aplikante, sa mga ahensya lamang na accredited ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dapat mag-apply upang makaiwas sa mga manlolokong recruiter.

Umaabot na sa NT$19,000 o P29,000 ang basic salary ng mga manggagawang Pilipino sa Taiwan.

Bukod pa ito sa overtime pay at iba pang benepisyong puwede nilang matanggap.

Maaalala na inalis ng Taiwan ang sanctions nito sa Pilipinas matapos humingi ng paumanhin ang bansa sa pamilya ng Taiwanese fisherman na nabaril at napatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel noong Mayo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.