JM De Guzman, lulong sa bisyo?!

WE WONDER kung ano na ang pinagkakaabalahan ngayon ni JM de Guzman. Pagkatapos ng book 2 ng Angelito: Batang Ama, tila nanahimik ang career ng magaling pa namang young actor. Wala pa kaming naririnig na bagong project niya from ABS-CBN 2 na alam naming naka-kontrata siya.

Napakarami naming naririnig tungkol kay JM at pulos negatibo iyon. Isa sa mga iyon ay ang diumano’y pagkalulong daw nito sa drugs at laging la-sing. ‘Yun nga raw ang dahilan kaya nabibitin nito ang mga taping niya at dahilan nga kung bakit biglang natapos agad ang Angelito….

Sabi-sabi naman, may personal problem daw ito kaya nagkakaganu’n. Ano kaya ‘yun? Family, financial o babae?

Nakapanghihinayang lang kung tuluyang maging inactive siya at mawalan na ng gana ang mga taong nagtitiwala sa kanya, kung hindi sa sarili niya mismo manggagaling ang pagi-ging masigasig. Napakarami pa naman niyang fans and we believe na after Coco Martin, siya na ang pumapangalawa pagdating sa lalim at husay sa pag-arte.

Hayyyyyy… gising JM!

 

NAG-POST NA sa kanyang Twitter si Iwa Moto na preggy siya. Proud na proud na sinabi ng sexy actress na she’s pregnant. Bagama’t hindi niya binabanggit kung sino ang guy na nakabuntis sa kanya, obviously si Pampi Lacson ‘yun since ito naman ang current BF niya.

Dahil first baby niya, excited at tuwang-tuwa si Iwa na huli naming nakita noong launching ng TITAN X3, isang energy capsule kung saan siya ang celebrity endorser na seksing-sexy pa. The sexy actress is happily in love kay Pampi at pulos nice words about his BF at ang mga plano nila ang mga kinukuwento niya sa amin like a vacation together, but never on having a baby the soonest.

So, that answer the question kung bakit lie-low sa work si Iwa at matatagalan pa ang pagba-balik-showbiz niya. For the meantime, enjoy muna siya sa kanyang pagdadalantao.

 

NO OTHER than Ms. Gretchen Barretto ang bida sa unang full-length directorial debut ni Direk Christopher Ad Castillo, anak ng namayapang premyadong direktor na si Celso Ad Castillo, ang The Diplomat Hotel, para sa 8th Cinemalaya Independent Film Festival para sa New Breed Category.

Excited si Direk Christopher dahil pumayag nang bonggang-bongga si Gretchen na first choice niya para sa kanyang pelikula. Wala raw isang salita at hindi na nag-inarte ang actress nang alukin siya para sa pelikula. Sa Baguio kukunan ang kabuuan nito.

Mala-Korina Sanchez si Gretchen sa movie na isang news correspondent/TV host na tutuklasin ang isang lihim na nangyari sa loob ng hotel.

Excited kami para kay Direk Christopher, mamana kaya niya ang husay ng kanyang ama?

Abangan!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

5 thoughts on “JM De Guzman, lulong sa bisyo?!

  1. ewan kosa iba pero saken wala nmang dating tong JM nato e, isang bansot na maputla ang itsura lng ang tingin kosa kanya….kasalanan nya sinayang nya oportunity at break given  2him by abs…. k iwawa nman whu cares?

    • ICY, CUTE NAMAN ANG FEZ NI KOYAH. PERO CHAKA ANG BODY. AT ANG MGA LIMBS HA, PUNGGOK NA PUNGGOK. LOL. ANG CHISMAX NGA AY NA INLAB NG TODO KAY JESSIE MENDIOLA PERO SORRY NA LANG, KAY MATEO NA SYA.

      • kung makapangokray kayo kay jm akala nyo ke gaganda nyo haha! in fairness naman kay jm may hitsu naman noh at mukhang may malaking tarugs hekhek! yon ang mas importante tsuk!

      • TEH, DON’T BE FOOLED BY WHAT U SEE ON TV. LAGI KASING MAHILIG ITONG SI JM SA MGA JEANS NA TIGHT, TAPOS, LOW RISE, GIVING THE ILLUSION THAT HE’S PACKIN’…BUT HE’S NOT. LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.