JM de Guzman & Lauren Young: Match Made in Heaven!

JM DE GUZMAN

Real Name: Juan Manuel

de Guzman

Birth Date: September 9, 1988

Zodiac Sign: Virgo

Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

LAUREN YOUNG

Real Name: Lauren Anne Young

Birth Date: November 8, 1993

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

NAMI-MISS N’YO NA ba ang bonggang pag-iibigan nina Gabriel at Via noon sa teleseryeng ‘Mula sa Puso’? Dito umusbong ang worth remembering na loveteam nina Rico Yan (SLN) at Claudine Barretto. Hindi ba’t sa programang ito nag-umpisa ang kanilang controversial on- and off-cam romance?

May tsansa na ngayon ang new generation of teleserye addicts na masilayan ang madugong istorya ng pag-ibig ng Mula sa Puso dahil after fourteen years ay nagbabalik ito sa primetime. Nariyan pa rin ang mga karakter na iibigin at kaiinisan natin, pero focus muna tayo sa lead stars nito na sina JM de Guzman at Lauren Young.

Hindi na bago sa ABS-CBN sina JM at Lauren, pero ngayon lang sila ginu-groom bilang mga lead stars. In fairness, may chemistry naman talaga silang dalawa, huh? Pero wait… in real-life naman kaya ay perfect match din ang dalawa?

Compatible ang Virgo at Scorpio. Pareho silang simple at mahilig silang mag-imbestiga sa mga taong nakakasalamuha nila, kahit magkaiba sila ng paraan ng pag-atake. Walang kinakatakutan ang isang Scorpio, samantalang mas nanaisin ng Virgo na maging tahimik at maingat sa kanyang bawat galaw. Hindi maiiwasang magkaroon sila ng conflict pagdating sa pakikitungo sa ibang tao. Mas maingay ang Scorpio at likas na mahiyain naman si Virgo.

Malaking-malaki ang tsansa na tumagal ang pagsasamang ito. Nasa kanila ang mga basic personality traits na swak sa isa’t isa. Pareho din silang matalino at talagang kinakarir nila ang isang usapin kapag sakop ito ng kanilang interes. Ang pag-dedebate tungkol sa iba’t ibang isyu ang mas lalong magpapalapit sa kani-lang dalawa. Mas romantic ang Virgo at more than willing naman si Scorpio na yakapin ito. Basta mapatunayan nila na loyal sila at naiintindihan nila ang isa’t isa, sureball na match made in heaven nga ang outcome ng pagsasamang ito.

‘Yown naman pala, eh! Kung saka-sakali ay hindi mala-yong magkatuluyan din in real-life itong sina JM at Lauren. Bakit nga ba naman hindi, ‘di ba? Pareho namang single at ready to mingle ang bagong pambato ng Dos sa primetime. Kung ako sa inyo, karirin n’yo na ‘yan! Go lang nang go! Love lang nang love!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

8 thoughts on “JM de Guzman & Lauren Young: Match Made in Heaven!

  1. ~mas bagay kami ni JM kasi ako sept08,1988 pinanganak.. ü hahaha :D crush ko lang kasi talaga si JM.. shocks :D and i love rico yan.. sayang lang talaga pero angel naman na ngayon si rico:) ehe :)

  2. i love both of them kasi nakakakilig…i-add pa si enrique na sobrang bagay din kay lauren…
    but no one can deny na mas popular ang AJren since nung lumabas sila AJ and Lauren as a lovetem…the next rico-claudine sana kaso wala na si AJ, pano na ang bestfriend nya na si Lauren??

Leave a Reply

Your email address will not be published.