JM de Guzman, inaayos ang sarili sa Australia

SA DAMI ng negatibong bali-balita kay JM de Guzman, sobrang apektado ang kanyang mga fans at mga kaibigan  lalung-lalo na ang kanyang pamilya.

Mukhang tahimik nga ang career nitong si JM ngayon, kung ikukumpara noong nakaraang taon. Nanahimik siya sa mga teleserye at iba pang TV guestings.

Dahil kaya ‘yun sa mga negative issue na naglalabasan sa kanya?

Hindi na nga matapos-tapos ang mga kuwentong nega. Kahit na nga may bago siyang album ngayon, hindi naging sapat ‘yon para maayos at makatakas sa mga pangit na balita sa kanya.

May isang kaibigan nga ang gusto siyang iprodyus ng concert. Kaya naman naisipan naming i-text ang kanyang father na board of director ng NPC na si Roniel de Guzman.

“Ay, nakabakasyon si JM, alam mo naman dami ng tsismis. Australia muna siya sa Ate niya. Inaayos niya ang kanyang sarili at nagre-rest.

Wala muna siyang tatanggapin na projects for the next few months. “We need JM well. Everything will fall into place ‘pag ok na siya. He is in the road to recovery,” text ni Daddy.

Sana naman, dahil nga isa si JM sa mga telented young actor natin ngayon. Pero sabi nga, you cannot put a good man down.

Kung natalo man si JM sa unang laban, siguradong may darating pang laban ng buhay. At sana ay mapagtagumpayan na ‘yun ni JM.

FINALLY, MAGSI-SHOWING na ang movie nina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Kung kaya naman pinasaya, ginulat at ginulo ni Richard Gutierrez ang University of the East, Manila branch nang mag-campus tour siya kamakailan.

Very active ngayon si Richard dahil nga para sa movie niyang My Lady Boss ng Regal Films.

Muntik na ngang hindi matuloy ang mga klase ng mga estudyante noong araw na yon. Sa totoo lang, na-miss ni Chard ang ginawa niyang pagka-campus tour.

Sabi ni Richard, may plano rin siyang maging director. Sino ba kina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang uunahin niyang idirek kung sakali man?

“Mahirap idirek si Dingdong, kasi nga nagdidirek din siya. Siguro si Marian ang uunahin ko,” sey niya sa amin.

Hanggang ngayon, wala pa ring kontrata si Richard sa GMA-7.

 

BLIND ITEM: Knows n’yo ba kung sino itong actor-politician na inirereklamo ng mga waiter at staff ng isang sikat na resto sa may bandang San Juan?

Du’n daw ito dumadayong mag-opisina at inaabot ng madaling-araw. Imbes na 11 pm lang ang mga waiter ay nakauuwi na sila nang madaling-araw. Okey lang naman daw kung may pakimkim itong ibinibigay.

O, knows n’yo na ba kung sino siya? Hula-hula na!

Clue, maraming galit na press sa kanya ngayon…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

2 thoughts on “JM de Guzman, inaayos ang sarili sa Australia

    • HAHAHAHA. AMININ NATIN NA NAMAMAYAGPAG TLG ANG STAR CINEMA PAGDATING SA MOVIES. IN FERNEZ NAMAN SA MY LADY BOSS, MAGAGANDA ANG REVIEWS. MAGALING DAW SINA RICHARD AT MARIAN. HMMMM…MAPANOOD NGA. HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.