JM De Guzman & Charee Pineda: The Award-Winning Tandem!

JM DE GUZMAN

Real Name: Juan Miguel de Guzman

Birth Date: September 9, 1988

Zodiac Sign: Virgo

Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

CHAREE PINEDA

Real Name:Crissha Charee Pineda

Birth Date: September 27, 1990

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

MATAGAL NA sa showbiz sina JM de Guzman at Charee Pineda, pero kamakailan lamang sila binigyan ng isang malaking proyekto ng ABS-CBN. Nagsimula ang kanilang tambalan sa Precious Hearts Romances Alyna. Doon pa lang ay nagkaroon na ng fanbase ang dalawa. Lalong tumutok ang madla sa Mula Sa Puso noong nakaraang taon nang pumasok ang karakter ni Charee sa palabas at marami nga ang nagsasabing mas may chemistry sila ni JM over Lauren Young. Ganu’n?!

Hari at Reyna ngayon ng Kapamilya Gold sina JM at Charee dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Angelito: Batang Ama. Alam n’yo ba na award-winning movie artists din ang dalawa? Nasungkit ni Charee Pineda ang Best Actress award sa Cinema One Originals 2009 para sa pelikulang Alon, samantalang nagawaran naman ng Best New Wave Actor si JM De Guzman  sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Pintakasi.

O, hindi lang pala pagpapakyut ang kayang gawin ng bagong pambato ng Dos, huh? Sa love department kaya eh, maka-grandslam ang JuaMees? Let’s see the look!

Diretsahan na: Hindi magiging madali ang pagsasama ng Virgo at Libra. Magkaiba kasi sila ng pananaw sa ilang aspeto ng buhay. Mahilig ang Libra na makipag-usap sa tao at gusto niyang makipagpalitan ng kuru-kuro sa mga taong nakakasalamuha niya. Ang Virgo naman ay mas gustong mag-isa o limitado lang ang tao sa paligid niya. Hindi rin niya madaling tanggapin ang mga kritisismo.

Sa aspetong ito pa lang ay magkakaproblema na sila. Magkakaroon ng pagkakataon na iisipin ng Libra na makitid ang utak ni Virgo. Sa kabilang banda naman ay iisipin ng Virgo na masyadong open at maingay ang Libra. Pero tulad ng iba pang bagay, madali namang pag-usapan ‘yan. Kung gagawin nilang balanced ang differences nilang dalawa, hindi magiging kataka-taka na magiging ok sila sa huli. Madalas ay Libra ang mas willing mag-adjust sa ganitong scenario.

Ang lalaking Virgo ay naniniwala sa ‘Head over Heart’, na kasalungat sa paniniwala ng Libra. May pagka-worrier din ang Libra samantalang praktikal mag-isip ang Virgo. Todo-todong effort in terms of understanding talaga ang kailangan ng dalawa.

Base sa mga interviews, mukhang magkasundo naman sina JM at Charee bilang magkaibigan. Para lumevel-up sa magka-ibigan level, kelangan ng matinding workshop. Parang acting career lang ‘yan eh – kapag lalo kang kumayod at your best, mananalo ka rin ng love life! PWEDE!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

6 thoughts on “JM De Guzman & Charee Pineda: The Award-Winning Tandem!

  1. Sana kayong dalawa na lng JM and Charee..diba sabi ni JM ke miss Toni Gonzaga sa THE BUZZ,.,(april 08,2012) through his eyes, after ng Angelito, IPAGPAPATULOY niya ang panliligaw ke charee? sna nman matupad na un!! at sna nman sagutin mo si JM miss Charee…

  2. cute tlga si JM at gandang ganda tlga ako ke Charee..atska kasing edad ko lng kc sya, nkikita ko ang sarili ko to her..hehe, SANA MAY PART 2 ang ANGELITO..kc nabitin tlga ako sa ending nito…

  3. ADIK NA RIN AKO SA LOVETEAM NA ITO=>>, now lang uli ako na adik sa loveteam after marvin and jolina=>. go charee and jm, juames=>>

  4. wow nka2touch naman pwde p bng more p love u sna kta n kta as a prson………………………..