JM de Guzman, bumalik sa dating bisyo?

JM-de-GuzmanPARANG UNFAIR naman ‘ata na naba-blind item na naman si JM de Guzman na bumalik sa dati niyang bisyo. Ang ganda-ganda ng aura ni JM nang umatend siya sa special screening ng afternoon series na All of Me na pinagbibidahan niya at wala kaming nakitang traces ng kung anuman.

Isa pa, paanong babalik sa bisyo si JM gayung alam niya how important is this second chance na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Meron din siyang bonggang lovelife at okey na okey ang relasyon nila ngayon ni Jessy Mendiola. So, walang dahilan at hindi depress si JM, huh!

Anyway, nagsimula nang umere nu’ng Monday (Aug. 31) ang All of Me na sa unang limang araw ay puro eksena muna nina Albert Martinez, Ina Raymundo, at Yen Santos ang mapanonood.

Iisa ang karakter nina Albert at JM at kung paano nangyari ‘yon, dapat panoorin ng televiewers. In fairness, kahit mas may edad si Albert kay Yen, hindi naging awkward ang kanilang mga eksena ng pagliligawan at pag-iibigan.

Maging si Ina Raymundo ay aminadong kinilig din sa Al-Yen loveteam.

“I’m a fan. Bagay sila. Walang awkward moment when you watch them,” sabi pa nito.

Flattered naman si Albert na at his age ay naipapareha pa rin siya sa katulad ni Yen na umaming medyo kinabahan siya nu’ng una sa mga eksena nila ni Albert.

First time ding magpapaseksi ni Yen sa series. May eksenang naka-one-piece siya at meron din siyang love scene at kissing scene.

 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleLiza Soberano, nagbunga na ang pagtitiyaga sa tulong ng manager na si Ogie Diaz
Next articleVic Sotto at Pauleen Luna, sa December na ang kasal?

No posts to display