JM de Guzman and AndiEigenmann: Open Your Heart and Love Again

ANDI EIGENMANN

Real Name: Andrea Nicole Guck Eigenmann

Birthdate: June 25, 1990

Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

 

JM DE GUZMAN

Real Name: Juan Miguel de Guzman

Birth Date: September 9, 1988

Zodiac Sign: Virgo

Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

 

MUKHANG GANADUNG-GANADO ang Regal Films na mag-produce ng mga horror films, huh? Maliban du’n, mukhang nagiging experimental din sila pagdating sa pagtatambal ng taartits. Kung noong Agosto ay sina Lovi Poe at baguhang hunk na si Benjamin Alvez ang pinagsama, ang Kapamilya teleserye stars naman na sina JM de Guzman at Andi Eigenmann ang magka-loveteam sa Pridyider. Ito ang remake ng sikat na Shake Rattle and Roll 1 episode na likha ni Ishmael Bernal.

Kung iisipin, hindi pa nga nagsasama sa proyekto sina JM at Andi kahit nasa iisang istasyon lang sila. Isang bagong team-up ito at kahit kami ay curious kung kakagatin ito ng moviegoers. Trip-trip lang ito mga repapips ha, pero horror din kaya ang kalabasan kung maging sina JM at Andi sa real-life, o maging isa kaya itong magandang fairytale?

Ang pagkasalungat sa personalidad ng Cancer at Virgo ay isang magandang tsek pagdating sa compatibility nila bilang mag-nobyo. Magiging pasensyosa ang Cancer sa mainiping Virgo. Mahiyain at hindi madaling magpakita ng kanyang emosyon ang Virgo. Dahil dito, papakitaan ito ng Cancer ng atensyon sa pamamagitan ng pagmamahal at pag-aaruga. Kapag nakuha na nito ang timpla ng ka-partner, siguradong magiging unpredictable in a good way ang daloy ng kanilang pagmamahalan, huh!

Pero weytaminit, kapeng mainit! Parehong madaling masaktan ang dalawa, kaya kailangan din nilang mag-ingat. Minsan ay padalus-dalos din sila sa pagdedesisyon lalo na kung hindi nasusunod ang kanilang gusto. Dapat maging careful dahil may pagka-perfectionist ang Virgo. May tendency silang mag-alburuto kung hindi sila nasisiyahan sa nagaganap. Madali namang umiyak at mag-emote ang Cancer lalo na kung natatamaan ang ego nila. Dapat siguro ay pareho nilang i-adjust ang kanilang kahinaan. Dapat gabayan nila ang isa’t isa. Once they agree on some stuff, it will be a good love match! Pangako!

Ang love match sa pagitan ng babaeng Cancer at lalaking Virgo ay kadalasang nauuwi sa kasalan (hindi sa loob ng Pridyider, ha? Tsarlot!). Ang pinaka-importante sa kanilang dalawa ay ang seguridad. Loyal silang dalawa at maaasahan sa lahat ng bagay. Wala rin namang magiging problema pagdating sa departamentong sekswal dahil pareho silang ‘expressive’ pagdating sa kama. Rerespetuhin nila ang opinion ng isa’t isa kaya kering-keri itey.

‘Yun na, ‘yun na! Hindi naman pala nila kailangang matakot kung sakaling mahulog sila sa isa’t isa. You can always love again… again and again.

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.