Jiro Manio, 2 years old na ang anak!

GALIT NA GALIT na si Chokoleit sa isyung mabaho at adik siya na talaga namang hindi mamatay-matay. Ayon kay Chokoleit, totoong nag-drugs siya noong panahon ng kanyang kabataan, pero hindi na raw ngayon.

“Ngayon pa ba ako magiging mabaho, e, kung saan-saan na ako nakararating at nabibili ko na ang maraming bagay na gusto ko. Kung sinong nagsasabing mabaho ako, baka sila ang mabaho. Amuyin muna nila ang kanilang sarili bago nila ako batikusin. Masyadong judgmental ang mga taong iyan. Sige harapin n’yo ako at ipamukha ninyo sa akin na adik at mabaho nga ako!” Panggagalaiti ni Chokoleit.

MARIING ITINANGGI NI William Martinez na hiwalay na sila ng asawang si Yayo Aguila. Ayon kay William, totoong hiwalay sila ng bahay ngayon ni Yayo, pero hindi raw ibig sabihin ay hiwalay na sila bilang mag-asawa.

“Yes I admit na hiwalay kami ni Yayo pero hindi as in hiwalay talaga. Kumuha siya ng isang condo na malapit din sa bahay namin kaya ang mga anak namin palipat-lipat lang,” paglilinaw ni William.

Inamin ni William na “dry” na sila ni Yayo pagdating sa sexlife, “Actually, mga two years na kaming walang sex ni Yayo. Kasi ganu’n pala kapag nagkakaedad ang isang tao, parang nawawalan ng drive sa ganu’ng bagay.”

Sinabi pa ni William na totoong two years ago ay muntik na silang magkahiwalay ni Yayo. “Nagising kasi kaming walang-wala talaga. Broke na broke ang aming financial at napag-isip-isip namin na kahit gaano mo kamahal ang iyong asawa, kung naghihirap naman kayo ay parang wala rin. Kaya nga naisip ko at napagdesisyunan namin na pareho kaming kumilos.

“Ang hirap kasi nu’ng magkasama kami sa sasakyan tapos isa lang ‘yung pupuntahan namin. Ang dami-daming shows na lagi kaming magkasama. Ang dami-daming pagkakataon na kami lang laging dalawa. Ganu’n pala iyon, nagkakasawaan din. Kaya ngayon, mas maganda ‘yung arragement namin. Iba ang pupuntahan niya at iba rin ang pupuntahan ko,” pahayag pa ng magaling na aktor.

Sa kabila ng “pagtanggi” ni William sa tunay na status ng relasyon nila, may ilang linyang pinakawalan ang aktor na nagmarka sa aming isipan. Kung totoong sila pa ni Yayo, bakit walang kaalam-alam ang aktres na may bagong negosyo si William? Kasosyo ang aktor sa Tangkang Restaurant along Roxas Disrict, QC.

Isa pa, kung totoong hindi hiwalay sina Yayo at William, bakit kailangang kumuha pa ng bagong condo ang actress gayung may sarili naman silang bahay? Kami po ay nagtatanong lang!

KUMPIRMADONG MAY ANAK na two years old si Jiro Manio sa live in partner na nagngangalang “Lea”. At ayon kay Jiro, ito raw ang tunay na dahilan kung bakit ilang buwan din natin siyang hindi napapanood at napagkikita sa showbizlandia. Pero wala naman daw pinagsisisihan ang aktor kung medyo nangulimlim ang kanyang career, dahil may may cute baby girl naman siya.

Humihingi rin ng paumanhin si Jiro sa mga taga-Channel 2 dahil sa hindi niya pagsipot noon sa mga taping.

“Gulung-gulo kasi ang takbo ng utak ko noon, dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga problema ko. Kaya, humihingi ako ng sorry sa lahat ng mga taong nasagasaan ko nu’ng mga panahong magulo talaga ang pag-iisip ko,” sabi pa ng napakagaling na aktor na binatang-binata na nga.

At the age of 18, may two years old nang baby girl si Jiro, at nu’ng personal namin siyang makausap ay nakatutuwa siyang pagmasdan dahil ang karga niyang anak ay parang kapatid lang niya.

Handa na uli si Jiro na harapin ang showbiz at muling balikan ang naiwang career. “Sana po ay mapatawad ninyo ako,” pagwawakas ng binata.

Ang interbyu kay Jiro ay mapapanood nang buong-buo sa programang Juicy ng Channel 5, pagkatapos ng Face to Face ni Amy Perez. Ang Juicy ay binubuo nina Cristy Fermin, IC Mendoza, DJ Mo Twister, ang nagmamagandang si Shalala (na hindi naman kagandahang sobra) at Alex Gonzaga.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Jiro Manio, 2 years old na ang anak!

  1. SANA MARAMI PA RING PRODUCERS ANG KUMUHA KAY WILLIAM AT YAYO MAGAGALING SILANG ARTISTA

  2. he is not part of Tang Kang resto… my uncle is one of the co-owners, friends lang siya at tambay dun…. pero wala siyang perang pinasok dun…

  3. Luma na ang balita mo! lumabas na sa paparazzi si yayo at inamin na niya na hiwalay na sila ni william!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.