Jinkee Pacquiao, Tatakbong Bise-Gobernador

PORMAL NANG naghain ng certificate of candidacy si Jinkee Pacquiao, maybahay ng 8-world division title champion at incumbent congressman Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa pagka-bise gobernador ng lalawigan ng Sarangani.

Nagsumite ng kandidatura si Jinkee kahapon ng hapon kasama ang asawang si Cong. Pacquiao na tatakbong uli bilang kongresista sa nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Cong. Pacquiao, malaki ang kanyang paniwala na mananalo ang kanyang maybahay bilang bise-gobernador, dahil ito ang sigaw ng mga taga-Sarangani. Bagama’t maybahay lamang ito ay nakatutugon naman ito sa mga pangangailangan ng kanyang kababayan lalo na kung nasa ibang business trip ang kongresista.

Kaugnay nito, pinayagan din ni People’s Champ Manny Pacquiao na pumalaot sa pulitika ang kanyang kapatid na si Roel Pacquiao, kasalukuyang barangay chairman sa General Santos City. Target nito ang unang distrito ng South Cotabato bilang kongresista.

Todo-suporta ang 8-

world division champion sa kanyang kapatid dahil nakita nito ang pagseserbisyo sa mga kababayan nito sa GenSan.

(FERDIE JAVINES)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.