Jinkee Pacquiao, suwerte ang pagbubuntis sa laban ni Manny Pacquiao

Jinkee-PacquiaoISA SA mga araw na ito ay manganganak na rin si Jinkee Pacquiao, kasi kabuwanan na niya. Muntik na nga raw siya mapaanak sa laban na ‘yun dahil sa sobrang tensyon para sa kanyang asawa.

Kuwento sa akin ng ilang nakakaalam sa mga trabaho ni Jinkee sa Gensan, in fairness daw kay Jinkee, kahit buntis na buntis ito, pumapasok daw ito sa opisina niya bilang vice-governor ng Saranggani.

Pero ngayon, medyo hirap na siyang makalakad kaya nasa bahay na lang ito at naghihintay na lang sa panganganak niya.

At least may dalang suwerte itong ipinagbubuntis ni JInkee. Isang baby boy na pinangalanan nilang si Baby Israel.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.