Jinkee Pacquiao, selos pa rin kay Ara Mina

MUKHANG MALAMAN O may laman ang binitawang pahayag ni Jinkee Pacquiao para kay Ara Mina na muling natsitsismis sa pambansang kamao.

“Mag-ingat ka,” ang payo nito nang itanong dito kung sa palagay ba niya ay totoo ang tsismis na nakita diumano sina Manny at Ara sa isang hotel sa Malate, Manila kamakailan.

Idinepensa pa ni Jinkee ang isyu dahil hindi nga raw siya naniniwala o baka may nagpapakalat lang ng malisyosong balita, pero nang sabihin niya ang payong pag-iingat kay Ara, ay naramdaman naming hindi nagbibiro ang asawa ni Manny. Na para bang any moment ay bibigwas na lang.

Nakakaloka!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5296 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.