Jinkee Pacquiao, napasubo sa kanyang dare!

NABIGLA YATA SI Jinkee Pacquiao sa sinabi niyang magbibigay siya ng Hermes bag sa kung sino mang makapagbigay sa kanya ng ebidensiya na nambababae ang asawa niya.

Magmula nang sinabi niya ‘yun sa presscon ng ini-endorse niya sa Belo Me-dical Group, hindi na siya tinigilan ng mga reporters sa katatanong tungkol sa hamon niyang ‘yun.

Ang sabi naman kasi ni Jinkee, ang hirap daw magpapatol sa ganu’ng isyu na wala namang pruweba.

Unfair naman daw kay Manny Pacquiao na parang siya lang daw ang mag-isang babaero sa buong Pilipinas.

Lagi na lang daw natsitsismis nang ganu’n ang asawa niya, wala naman daw lumalabas na ebidensiya. Kaya ngayon, dedma na raw siya sa ganu’ng isyu.

Kung sakaling may ebidensya raw, doon na siya magri-react, pero wala naman! Sana tigilan na raw ang asawa niya.

Kaya nagsalita na siyang magbibigay siya ng Hermes bag sa kung sino mang makapagbigay sa kanya ng sinasabi niyang ebidensiya.

At least ipinagtanggol naman ni Jinkee ang asawa at hindi naman basta-basta pumapatol sa ganu’ng intriga.

Abala naman ngayon si Manny sa pag-ensayo sa Baguio, kaya ayaw na rin niyang magpapatol sa ganu’ng intriga dahil hindi na raw ito natatapos. Nakasanayan na niya ang ganu’ng intriga kaya dedma na rin siya.

Mabuting abangan na lang daw ang Manny, Many Prizes nila sa Sabado dahil magpapasaya na naman sila at mamumudmod ng kadatungan sa Baguio.

 

MALAPIT NA PALANG manganak ang isa ko pang alagang si Carlene Aguilar. Excited na sila ng asawa niyang si Yo Ocampo dahil first baby niya ito sa asawa niya.

Kahit nga raw ang anak nito kay Dennis Trillo na si Calix ay excited na rin sa baby brother niya.

Pero sa ngayon, ini-enjoy na raw muna nila ang moment nila kay Calix dahil siyempre mahahati na iyan pagdating ng bago nilang baby.

Pagkatapos ni Carlene, ang pangalawang baby naman nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu.

Mga end of October daw ang due nito kaya lilipad na naman si Alfred pa-Italy para samahan doon ang asawa niya.

Baby girl naman ang isisi-lang nito na bale pangalawa na nila ito ni Yasmine.

Pagkatapos ng kay Alfred, ang susunod naman ay si Glydel Mercado na nagpapahinga na rin ngayon dahil malaki na ang tiyan niya.

Parang nanganganay na naman nga raw ngayon si Glydel dahil halos seven years din bago nila ito nasundan ni Tonton.

Baby girl din itong pangalawang baby nila at sabi nga ni-lang mag-asawa, tama na raw muna ‘yun para may panahon sila sa pag-alaga sa kanilang dalawang anak.

Hay, naku! Dumarami na ang mga apo ko!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

19 thoughts on “Jinkee Pacquiao, napasubo sa kanyang dare!

  1. Sa dami ng pera ni Manky Pacqiao,maski sinung starlet na pokpok papatol anoh!! saka natural lang mghanap ng fresh na puday si pacman, kesa magtyaga sa bilasang si jinkay hehhe..yabang!!!

  2. DEVILITA ikaw na!!!! The best ang comment mo hahaha, yabang ng beking retokada na toh!! Ngkapera lang akala mo kaya ng bumili ng tao..kung kelan niretoke mukha lalo naging pan get!! batang aling Dionisia lang bwahahhhaha..
    HERMES?? anu gagawin namin dyan!! sampal ko sayo hermes ko galing greenhills hahaha, mas bagay sayo fake kc fake din yang mukha mo!
    !
    Ang tanso balutan mo man ng ginto,,, tanso pa rin parang si jinkay lang hahaha..

  3. Nasobrahan na sa retoke ang face ni jinkee Hindi na natural….nkakatakot na kya si pacman find na nang iba…..fresh, walang retoke….

  4. korek ka dyan Devilita. tska kahit anong retoke ni jinkee sa fez nya bilasa na cya kay manny. kala cgro nya super hahangaan cya pag gumanda cya sa retoke. ang hitad pinangangahas ang hermes nya. putsa kung totoo yan mauubos ang hermes nya. 

  5. It will be very hard to respect a public official who is a gambler and a cheater/womanizer. A person with integrity will not cheat his/her partner.

  6. sus hoy Jinkee wag kang plastic mahusay magtago ng babae si Manny asawa mo pa  dahil maraming ibibigay  magpapakasawa sya sa P……..K  iba-iba size,at amoy and of course magaling mag horsebackriding.sawa na sa yo si manny puro retoke ka na ni Vicki Kirat Belo ang gawin mo mag-ipon ka baka sa kakatikim ni Pacman ng ibat-ibang karne malimas ang kaban ng pera nyo ,galante si pacman sa babae at yong mga alipores pa nya asa din sa asawa mo ika nga save for the rainy days boxing is not lifetime sooner pacman boxing career will fall down..By the time these thing happen you and pacman should  save enough for the lifetime for your kids.yong ibang bosingero dyan at mga artista na rin  purdoy na kasi naging bulagsak kaya Jinkee dont dare people sa hermes .you have money but youre not happy kasi may kashare kay pacman Kuha Mo?

  7. Nouveau Riche, maski anong balot ng pera sa sarili, ganoon pa rin, mababa. “Hermes, gusto ninyo ” ? Hambog.

  8. Jinkee, sa iyo na lang ang Hermes mo. Yabang mo. Bet namin dito, matatalo si Manny sa susunod na laban. Medyo nawawala na ang appeal niya. Masyado kayong materialistic.

Leave a Reply

Your email address will not be published.