Jinkee Pacquiao, naiinggit sa pag-aartista ng asawa at biyenan?! – Ruben Marasigan

DAHIL SA PAHAYAG ng ex-PBB Housemate na si Sam Pinto na crush niya’t gustong makatrabaho si Gerald Anderson, nabuksan ang pinto for her na maging sentro ng usap-usapan ngayon. May balak nga kasi itong mag-artista kaya for sure ay ini-enjoy niya ngayon na nadidikit ang kanyang pangalan sa isa sa hottest loveteams sa ngayon.

Si Gerald, tila ini-enjoy rin ang nasusulat na kinikilig sa kanya at type na type nga siya ng Sam na ito. May mga pagkakataong pabiro pang nasasabi ng binata na pakiramdam niya’y nakaramdam ng selos ang screen sweetheart niyang si Kim. Dagdag pogi points nga naman for him ang anggulong gano’n.

Pero sorry, parang feeling lang ni Gerald na may selos na nararamdam itong si Kim. Kasi, mukhang hindi naman apektado ang dalaga. As a matter of fact, game nga raw ang young actress in case magkaroon ng pagkakataon o plano na makasama nila ang PBB beauty.

Kahit si Gerald, aprub na makatrabaho nila ni Kim itong si Sam. And why not nga naman, ‘di ba? Malaking advantage iyon for him kapag nagkataon, dahil ang magiging publicity slant na bonggang-bongga – dalawang naggagandahang young girls ang magkaribal sa atensiyon niya.

Ang kaso, napag-uusapan pa lang at ni wala pang plano, maugong na agad ang pag-alma ng mga Kimeralds. Hindi raw feel ng mga ito na may eeksenang ka-love triangle ng parehang kanilang iniidolo, sa katauhan nga ng nagbabalak pumasok sa showbiz na si Sam.

Hindi raw puwede. Hindi raw dapat. At balitang ipagpu-protesta raw nila ito kapag nagkataon.

May gano’n talaga?

Anyway, agree kami sa stand ng Kimerald. At this point na talagang namamayagpag ang tambalang Kim at Gerald, bakit nga naman magpapasok ng makaka-love triangle ng dalawa? Heto nga at habang maingay na pinag-uusapan at tinututukan ang bagong serye sa Dos na kanilang pinagtatambalan, talk of the town din ang equally nakakikilig na tambalan din nila sa pelikulang Paano Na Kaya? ng Star Cinema.

Pero puwede ring makasingit nga itong si Sam. Hindi bilang ka-love triangle kundi bilang kontrabida para kina Kim at Gerald. Eh, ngayon pa nga lang, kontrabida na ang tingin sa kanya ng mga die-hard Kimerald fans.

‘Yon na!

Usap-usapang gusto na raw talagang mag-artista ni Jinkee Pacquiao. Feeling daw kasi nito, kung nagawang mag-artista ng asawa niyang si Pacman, at maging ng kanyang biyenang si Aling Dionisia, bakit nga hindi rin daw siya? Eh, magkakasing-sikat naman daw sila?

Tumataas tuloy ang kilay ng marami. Lalo sa nasabi ni Jinkee na if ever, ang gusto niyang maging leading man ay si Derek Ramsay.

Serious nga talaga si Jinkee? Na feeling niya, mala-Angelica Panganiban ang level niya?

Tuloy, inili-link na sa kanya ngayon itong si Derek. Balita pa ngang nakita raw sila recently na magka-date ng aktor at magka-holding hands pa diumano sa isang mall sa San Juan.

Ano ba ‘yon?

Sa pangamba sigurong baka buweltahan siya ng mabagsik na kamao ni Manny Pacquiao, kaagad-agad ay maagap si Derek sa pagbibigay-linaw sa tsismis na ito.

“No. When we saw each other, there are about 20 people. Ang dami namin. There’s no truth to it. She’s so devoted to her husband and to her family.”

Itinanggi rin ng binata ang bulung-bulungan na constant textmates daw sila. Paminsan-minsan daw lang ‘yong pagti-text nila. No’ng time kasi na napasyal si Derek at ilan pang kasamahan for a show sa General Santos City, si Jinkee raw ang naging punong-abala sa pag-i-estima sa kanila.

“She was really really nice. Iniikot niya kami roon. She was a good host. And we become friends. There’s no issue between me and Jinkee.

“I just laughed sa intrigang ‘yan. I texted her na sorry na may kung anu-anong issue. And she was nice to text me — hey, you’re a good friend, thank you very much. That was it.”

Anyway, kahit nati-tsismis sila ngayon, karamihan naman ay hindi halos ma-imagine na posibleng magkaroon ng something between Derek and Jinkee. At mukhang malabo rin nga ‘yong pagiging leading man ng aktor sa huli dahil wala namang napapabalitang may interes mag-offer ng pelikula kay Jinkee.

Unless ipagpu-produce siya ng asawa niyang si Manny. Pero magkagano’n man, kukunin ba naman ni Pacman si Derek bilang leading man ni Jinkee? Malamang ay gugustuhin na lang nito na silang mag-asawa na lang ang maging magkapareha.

Pero bonggadera nga rin itong si Jinkee, huh! Kung may Krista Ranillo na patuloy pa ring iniuugnay sa husband niya, may Derek Ramsay naman ngayon na inili-link sa kanya.

Anong sey kaya rito ni Angelica Panganiban?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

17 thoughts on “Jinkee Pacquiao, naiinggit sa pag-aartista ng asawa at biyenan?! – Ruben Marasigan

  1. HINDI na kailagan pa ni Jinkee na mag artista. SIKAT na siiya. Mas maraming covers ng magazine kesa ke Krista Ranillo na naghahabol at kumabit sa asawa nito. Mas maganda si Jinkee kesa ke Krista . Eh ito ngang pangit na starlet..nakuhang artista..si Jinkee pa. PERO..hindi na kailangan mag artista ni Jinkee kasi popular na siiya, me pera , maganda. Kumpleto na ang buhay. Hayaan na natin ke Starlet Krsita ang pag extra extra sa pelikula..kasama na ang pag extra sa marital affairs ng mga lalaking me asawa!!!! Don lang siya makakakuha ng mas malaking pera, ano. Cheap lang bayad ke Krista s amovies kahit maghubad pa siya .Mukha siyang madumi kaya di puede sa pa seksihan. Nawawalan gn gana ang mga mhin!!

  2. Aminin mo Ruben, Kimerald ka ba?????????????????????? hahahahaha kaloka ka teh!!!! ayaw mo din makasama nila si Sam? selfish?

  3. sweet revenge ang gusto ni jeenkeelou, kunwari deny sya pero halata namang nag lalaway, kay derek naman syempre alam nya kung saan ilalagay ang sarili nya bakit sya mag se self distraction. saka di nya feel si jeenkeelou no. may pera naman sila ni ange so bakit pa.

    kawawa nga lang si jeenkeelou habol ng habol kahit pa sang batallion ang kasama sa lakaran kung ang pagnanasa ay nandun ganun pa rin ang suma total. nagdala lang ng mga amuyong para hidi halata ganun lang yon wag nyong sabihing ipinangana kayo nung panahon ng hapon.

    lumalabas na talaga ang kulay ni jeenkeelou tignan nyo sabik sa limelight isang araw haharap sa kamera ay isusuka ang mga kinain nya para lang maipakita na masarap ang kinain nya for us to see. yung mga alahas nga at kung ano anong material na bagay shown to the whole world kaya maghintay tayo… ano kaya ang kinain ni jeenkeelou ngayon.

  4. honestly, hindi ako nagwagwapuhan kay derek ramsey, mukha lang siyang pedicab driver….. or jeepney driver….c angelica, mukhang tataba to pag tanda,kaya bagay lang sila…..

  5. bat niyo ba pinipigilan si jinkee mag artista? maganda naman siya ah!…inggit lang cguro kayo…..if she wants to be an actress,why not? malay niyo may tinatago pala siyang galing sa pag arte..kaya go jinkee!!……kung saan ka masaya,hala bira!!

  6. Jinkee is already popular even without entering showbiz. Wag na coz she doesnt need it anyways. She already is popular in her own way. Abnormal lang ang taong nagli-link kay derek at jinkee. Jinkee very much loves her family at nakita naman natin kung paano sya nakipaglaban para hindi masira ang pagsasama nila ni manny. Derek loves angelica naman. Kaya tigilan na ang mga issueng ganyan.

  7. Jinkee is already popular even without entering showbiz. Wag nalang coz she doesnt need it anyways. She already is popular in her own way. Abnormal lang ang taong nagli-link kay derek at jinkee. Jinkee very much loves her family at nakuta naman natin kung paano sya nakipaglaban para hindi masira ang pagsasama nila ni manny. Derek loves angelica naman. Kaya tigilan na ang mga issueng ganyan.

  8. come on, ginagawa lang naman silang katatawanan ng mga tao, akala nila ay talagang sikat na sikat na sila. kumuha na lang siya ng kurso para may edukasyon siya at may maipagmalaki pagdating ng araw.

  9. Naku ambisyosa talaga–di na kontento sa limpak limpak na pera at mga malapalasyong bahay niya. Guuwaaarrrk!
    Magpaganda ka muna oY!

  10. hay naku! Jinkee,alagaan mo na lang ang mga anak mo at maging plain housewife ka na lang kay Manny…huwag mo nang ambisyunin ang pag link kay Derek Ramsey dahil di kayo bagay.Kay Angelica lang bagay si Derek at kahit na kaninong babae ay hindi pwede si Derek kasi mahal na mahal niya si Angelica..

  11. Huwag na, Jinkee. Hindi naman kumita ang mga pelikula nina Manny at Mommy Dionisia mo. Nalugi ka lang sa perang isinosyo ni Manny. Puera pa sa sosyo ni manny, malaki pa ang perang naharbat ni Kristapokpok sa asawa mo. Iwas iwas na sa showbiz at maraming mga Kristapok diyan…mga pokpok na nangangailangan ng pera kapalit ng sex..mauubos ang pera ninyo ni Manny..hala ka..Mahilig pa naman ang iyong asawa..

Leave a Reply

Your email address will not be published.