Jinkee Pacquiao, mukhang artista na! by Ogie Diaz

ANG TARAY NG Bandila, nananawagan sila sa mga taong me magagandang alaala ke President Cory Aquino na kung meron silang kuwento with pictures ay ipi-feature nila sa kanilang news program.

Ibig lamang sabihin, hindi pa kasamang naililibing ang mga alaala ng namayapang pangulo.  At isa na rin sigurong paraan ito para sa isinusulong na bill na gawing National Hero ang mommy ni Kris Aquino.

Kung kami ay isang mambabatas, sabi nga sa gay lingo, si Tita Cory, “Pasok sa banga!”

NAPASYALAN NA NAMIN sa GenSan, pero nu’ng makita namin si Jinkee Pacquiao sa launching ng Belo Diet Injections ay tumingkad pang lalo ang kanyang byuti.

Si Jinkee ang latest endorser ng Belo Medical Group kung saan nasubukan na niyang magpa-lipo and after giving birth sa apat na anak nila ni Manny Pacquiao ay sumailalim na siya sa non-surgical treatment na ito ni Dra. Victoria Belo.

Bongga, ‘no!  Sa mga nagpa-lipo para hindi na sila tumaba ay magpa-inject lang sila ng Belo Diet, hindi na sila tataba?  Ang taray.

Actually, artistang-artista na nga ang dating ni Jinkee, kaya hindi malayong sumunod na rin siya sa mga yapak ni Mommy Dionesia.

Hindi na rin kami magtataka kung ilulunsad muli ang botox at kuning endorser ang nanay ni Pacman. Binibiro nga si Mommy Dionesia sa text na ang daming “abs” sa mukha.

Hmph!  Puwes, humanda kayo pag na-botox ng Belo si Mommy Dionesia!

ABA, ANG LOLA Aiko Melendez n’yo, ayaw paawat.  Kunsabagay, ang Quezon City naman ay may history na artista o kilalang personalidad ang nagba-Vice Mayor.  Nandiyan si Connie Angeles at ang nakaupo ngayon ay si Herbert Bautista.

Sabi namin kay Aiko, ang dami na nilang tatakbong Vice Mayor.  Nandiyan sina Babes Malaya, Dante De Guzman, pati ang anak ni Mayor Sonny Belmonte na si Joy Belmonte.

“It’s for the people to judge naman, eh.” Say ni Aiko.

NAPAG-UUSAPAN NA NINA Krisitine Hermosa at Jericho Rosales ang kanilang nakaraan sa harap ng maraming press. Mas tinitingnan namin ito na naka-move on na sila kesa ipino-promote lang nila ng Dahil May Isang Ikaw na bago nilang teleserye.

Sabi nga ng isang eksperto sa pag-ibig na kakilala ng dalawa, “Baka nga magkatsugihan pa uli ‘yan for old time’s sake, eh!”

Me gano’n?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

16 thoughts on “Jinkee Pacquiao, mukhang artista na! by Ogie Diaz

  1. Ano ba naman ang artistang-artista na ang dating? Pag sinabi bang artistahin, magandang-maganda na ang pagmu-mukha? Si Ogie Diaz nga, nag-a-artista rin! Huwag masyadong manghusga sa hitsura ni Jinkee ang iba diyan (pati na ni Aling Dionesia), perfect ba ang mga hitsura ninyo? Hitsura ni Jinkee ang ipinu-punto ko lang (pero iyong nagiging too lavish ang lifestyle niya, ibang usapan na iyon)

  2. well i can say na mas mganda sya ngayon
    compare dati…i saw her guesting s showbiz central b un
    o star talk alain s 2 …nkalimutan ko) hihihi
    mas maayos na ang make-up nya
    and take note…..puro…branded na gamit nya
    unlike b4 na nag-uumpisa plng c manny….mgaling humwak ng anda tong c jinkee kya
    bilib me s knya.

    gud luck and god bless!!!

  3. sus kahit anong panlalait nyo eh, bilyonaryo na yan kaya lumuha man kayo ng dugo, SORRY NA LANG KAYO. pag may pera ka IN ka, kaya MAMATAY KAYO SA INGGIT!!!

  4. hoy mga tao na mapaghusga..mga inngetera..hoy puro kayo panlait ng tao pero kayo may beauty ba kau cguro sa labas na anyo pero sa loob hahahahah sunog na kaluluwa nyo sa impyerno!! mga tao na masama ugali.kung mag cr ba kayo at atigaas ang popo nyo hindi ba kayo papangit.

  5. naghihirap na si belo kaya kahit anong itsura ng endorser, pwede na! si belo na kasi nagpapabayad.

    amfangit!

  6. mas magkamukha si jinkee at ang nanay ni pacman, parang siya pa yung anak, kung tingnan mabuti, younger version ni dionesia si jinkee. dati ininsulto ni belo si boy abunda dahil kay calayan, ngayon mas worse pa yung kinuha nyang endorser. hehehe. peace!!!!

    • Sa totoo lang ay maputi lang si Jinkee pero pangit din siya tulad ni Aling Dionesia. Ano ba namang mag-anak ito at sobra namang magpa=celebrity. Nanalo lang boxer iyong ank at asawa ay sobra naman magpa-exposure ay puro pangit at walang edu naman at balak pang pasukin ang pag-a-artista? Nakahiya naman at dahil sa ginwang endorser ni Belo si Jinkee ay baka wala ng pumunta sa clinic niya. Nasilaw naman kayo sa pera nila ng mga Pacquiao?

  7. hay ogie, binayaran ka lang kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. para kay ogie pera-pera lang yan. sana wag sya tularan ng mga anak nya… hahahahah!

  8. OGIE BULAG K BA?????MUKHA ATANG BAKLA SI JINKEE AS IN MAS MUKHA SIYANG BAKLA KESA SAU HAHAHHAHAH!!!I DON’T LIKE HER KASI NAMAN SI BELO MUKHA DING BAKLA LOLZ….

  9. Ano ba yan… Bulag ka ba? Baklang bakla ang dating nya. Kung yan ang aristahin, e di beauty queen na ako. CHAKA!!!!

  10. ano ka ba naman ogie, alm mo ba kung ano ang hitsura ng mga artistahin? magaganda talaga. heto mas marami pang baklang pangit na mas maganda sa kanya e.

  11. Belo diet daw???? If i know Hcg yan as in Human Chorionic Gonadotropin!!! Yan ang latest injectable to lose fats!!! Ineklat na nman ni victoria at nilagyan nya ng panglan nya.pwede ka ngang bumili nyan eh mura lng tpos ikaw na mag inject sa sarili mo. Mukhang sosyalin na nga si jinky rich na rich tlaga pero ang fez ng lola kashokot pa rin tapang kse ng dating.

Leave a Reply

Your email address will not be published.