Jinkee Pacquiao, hinaharang si Krista Ranillo sa promo ng pelikula ni Manny?! – Lolit Solis

TOTOO KAYANG HINDI pa natapos ni Manny Pacquiao ang dubbing ng Wapakman? Dapat ay ipadadala na nila iyan sa CEB para mabigyan ng classification, pero hindi pa yata tapos na tapos.

Hindi na rin natuloy ang presscon nila dahil siyempre, iniiwasan na lang na pawang si Krista Ranillo ang pag-uusapan.

Ang latest pang narinig ko hindi na rin daw sasama si Krista sa parada nito bukas dahil nandu’n si Jinkee Pacquaio.

Kahit hindi kasali sa pelikula si Jinkee, type daw nitong sumama roon para tumulong sa pagpo-promote ng pelikula ng asawa niya.

Sabi nga ng karamihan, mas okay pa kung si Jinkee ang mag-promote nito dahil nega pa rin talaga si Krista.

Hindi nga makatutulong si Krista kahit kontrobersiyal siya ngayon. Hindi naman kasi pelikula ang pag-uusapan kundi ang sa kanila ni Manny.

Bongga nga siya, naging talk of the town itong Krista kahit wa siya talk!

IN FAIRNESS, MAGANDA ang feedback sa pelikulang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla.

Nu’ng premiere night nito nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa SM North Edsa, dumagsa ang showbiz friends niya kahit hindi kasali sa pelikula.

Nandu’n ang bagong OMB chairman Ronnie Ricketts para personal na bantayan ang pelikula niya para hindi mapirata.

Sabi ni Ricketts, matagal na raw nilang inaayos na hindi mapipirata ang mga entry ng MMFF ngayong taon.

Nakiayon naman dito ang mga pirata, in fairness, kaya wala nga raw kakalat na pirated DVD nito habang nagsu-showing ang mga entry ng filmfest.

Ewan ko lang pagkatapos ng filmfest kung makontrol pa ;yan ng OMB, dahil tiyak na kakalat na naman iyan.

Samantala, namataan pala roon sina Direk Mac Alejandre at Rico Gutierrez na parehong direktor ng pelikula.

Si Direk Mac sa kabuuan ng pelikula at si Direk Rico naman sa special effects na talagang ‘yun ang nagdala ng pelikula.

Nagkaroon nga raw ng gap ang dalawang direktor at dedmahan nga sila roon sa premiere night, pero kung tatanungin mo naman sila, okay raw at hindi naman daw nagkaroon ng problema.

Sabi naman ni Bong, hindi maaalis ang ganu’ng problema dahil iisa lang naman ang pakay nila na lalong mapaganda ang pelikula nila.

Sa ganda ng feedback sa pelikula, malamang na ito ang mangunguna sa box-office.

Abangan na lang natin na magsisimula na bukas na kung saan bubuksan ng isang makulay na parada.

Iyan ang isa sa inaabangan ng mga tao tuwing Pasko.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

13 thoughts on “Jinkee Pacquiao, hinaharang si Krista Ranillo sa promo ng pelikula ni Manny?! – Lolit Solis

  1. zzzzzz zzzzz zzzzzz…..paki gising na lang ako pag iba na ang mga issue dito. nakakasuka na itong manny-krista-jinkee issue ha! tama na, mayayaman na mga writers dito kaka chorva sa issue na ito. leche!

  2. Paano naman biglang nag ka pera ng limpak2 ang asawa ng labandera–kaya hayun. Then again puro naman insecurities, kaya kung anu ano ang pinagagawa sa mukha at katawan. There are no plastic surgeries for insecurities manang timawa.

  3. boy_isla (posted on Dec 30, 2009 12:28 AM)
    Member since Sep 23, 2009
    Cal.tech@livee.com wrote:

    Seen : Malayung-malayo na ang itsura ni Jinkee Pacquiao sa kanyang twin sister na si Janet dahil sa madalas na pagpunta niya sa clinic
    ni Dra. Belo. Hindi na sila mukhang magka­kam­bal.

    hehehe mag kamuka na sila ng kanyang mahal na biyenan si Aling Dionisia hehe

    GANYAN TALAGA ANG MGA TIMAWA NAMANTIKAAN LANG ANG NGUSO MASYADO NG IPINAGYAYABANG SA BUONG MUNDO. nasaan ang HUMILITY????

    • ANO BA YAN JEENKELOU KUNG GUSTO MO NG KATAHIMIKAN WAG KANG MAG PA INTERBYU, HALATANG SABIK NA SABIK KA DIN SA SHOWBIZ KESEHODANG HIWALAYAN KA NI MANEYPUCK. NAPANSIN KO TOTOO PALA KAHAWIG MO NA SI ALING DIONEK

      • Lalo ng ayaw ni Jenkeelou sa biyenan Dionek niya, lalo pa silang magkamukha! Hahahah How Ironic. Yak! No wonder kumalas si Monkey, who wants to be reminded of their mom’s fez kahit sa kama na. ewwww!

  4. boy_isla (posted on Dec 30, 2009 12:28 AM)
    Member since Sep 23, 2009
    Cal.tech@livee.com wrote:

    Seen : Malayung-malayo na ang itsura ni Jinkee Pacquiao sa kanyang twin sister na si Janet dahil sa madalas na pagpunta niya sa clinic
    ni Dra. Belo. Hindi na sila mukhang magka­kam­bal.

    hehehe mag kamuka na sila ng kanyang mahal na biyenan si Aling Dionisia hehe

    TIMAWA KASI, NGAYUN LANG NAMANTIKAAN ANG NGUSO. walang humility

  5. tama ka hawk. e2ng hayup na lolit solis na e2 eh sukdulan ang pagkasuwapang sa pera. matagal ng naibenta ang kaluluwa ke satanas .

    manay lolit na kampon ni satanas, isama mo pa si matandang alfie na malapit ng kuhanin ni tano eh magsimula na kayong magsisi sa inyong mga kasalanan.

    bakit ba hindi makapag-post ng comment sa iyong article sa pilipino star ngayon ha? dahil ba napakarami ng me galit sau kaya nagdesisyon ang pamunuan na wag lagyan?

  6. magkano na naman kaya ang naharbat ng matandang mukhang pera na ito, susme eto pa tapalan mo lang ng pera eh super duper ka na, magsama kayo ni alfot lorenzo at hinihintay na kayo ni satanas

Leave a Reply

Your email address will not be published.