Jinkee Pacquiao, bumigay na sa unti-unting pagkawasak ng pamilya! – Cristy Fermin

ISANG KAIBIGANG DUMALO sa Thanksgiving Mass para sa tagumpay ni Manny Pacquiao sa salpukan nila ni Miguel Cotto ang nagkuwento sa amin kung bakit naging emosyonal si Jinkee na naging dahilan ng paghagulgol nito habang ginaganap ang misa.

Ayon sa aming kaibigan, masyado raw kasing sumentro ang pari sa paksang pampamilya. Kung anu-ano raw ang binanggit ng pari tungkol sa kahalagahan ng pamilya, kaya ganu’n na lang naging kaemosyonal ang misis ng Pambansang Kamao.

“Masyadong nag-grandstanding ‘yung pari, naging masyadong casual ‘yung misa, inuna niyang i-review ‘yung nangyari sa Pacquiao-Cotto fight, para siyang sports analyst na inisa-isa ang nangyari sa laban.

“Ang sumunod naman niyang tinalakay, ‘yung kahalagahan ng pamilya, wala raw kahit anong tagumpay na makapapalit sa isang pamilyang wasak. Kaya ayun tuloy, naging emotional si Jinkee dahil nga sa mga issues na nag-i-involve kay Manny sa ibang babae,” kuwento ng aming kausap.

Totoong sinubukang aluin ni Manny ang kanyang misis. Nakunan ‘yun ng mga camera, pero sa halip ay pinalis ni Jinkee ang pamatay na kamay ng kanyang mister at saka umiwas.

“Tao lang naman kasi si Jinkee, naaapektuhan sa mga kuwentong nakararating sa kanya, kaya nagpakatotoo lang siya that time. And dami-dami na kasing kuwentong nakararating sa kanya. Gustung-gusto na niyang kumprontahin si Manny, pero bawal, dahil meron pa nga siyang laban.

“Ganu’n naman palagi kapag may fight si Pacman, sinasabihan sila ni Coach Freddie Roach na walang kahit sinong puwedeng magsabi kay Manny ng mga problemang personal.

“Masisira kasi ang focus niya, kailangang sa fight lang ang concentration niya. Kaya ang mga domestic problems, after the fight na niya kailangang malaman.

“’Yung tungkol kay Krista, ang tagal-tagal na niyang kinikimkim ‘yun, pero walang chance para mapag-usapan nila ni Manny. Maraming bawal, dahil nga sa laban nila ni Cotto.

“E, tapos na ang laban, kaya du’n na bumigay si Jinkee, du’n na nag-sink-in sa kanya ang problema. Tao lang naman kasi siya, sino ba namang wife ang hindi masasaktan sa mga ganu’ng kuwento?” Depensa pa ng aming kaibigan kay Jinkee.

NAGKAKAUMPUKAN NU’NG ISANG gabi ang tatlong aktor na halos kasabayan ni Mat Ranillo III, ang pinakakontrobersiyal na aktor-tatay ng artista ngayon, dahil sa pagkakaugnay ng pangalan ng anak niyang si Krista kay Pacman.

Hindi makapaniwala ang tatlong aktor sa mga lumulutang na kuwento ngayon sa showbiz na mismong ang mag-asawang Mat at Linda Tupaz pa ang kumukunsinti sa kanilang anak para makarelasyon ng kampeong boksingero.

Lalong hindi nila mapaniwalaan ang kumalat na kuwentong binigyan ng suportang pinansiyal ni Pacman ang pamilya, hindi lang dahil sa may planong humalo sa mundo ng pulitika si Mat, kundi dahil baon sa utang ang pamilyang ito.

“Parang hindi ako makapaniwala sa mga kuwento, parang hindi ko ma-imagine na ‘yung mag-asawa pa ang tumo-tolerate sa anak nila sa maling gawain, parang ayoko talagang paniwalaan ‘yun,” sabi ni Actor A.

Susog naman ni Actor B, “That’s right, dahil kapag pinaniwalaan mo ‘yun, parang lumalabas na ang mga magulang pa ni Krista ang naglapit kay Manny, dahil sa pera?

“Parang mahirap talagang paniwalaan ‘yun, lalabas kasi na parang pinabayaan na lang nilang makipagrelasyon si Krista kay Manny for the sake of money. May rhyme ba?” Sabi ni Actor C.

Hanggang hindi nililinaw ng mag-asawa ang kanilang pangalan sa matinding isyung ito ay patuloy silang pag-iisipan ng hindi maganda ng marami.

Masakit pakinggan, pero totoo, pangit ang imaheng ikinakabit ngayon sa pamilya ni Mat Ranillo III.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

12 thoughts on “Jinkee Pacquiao, bumigay na sa unti-unting pagkawasak ng pamilya! – Cristy Fermin

  1. eh ano kung naging kabit si krista hindi naman nya inaagaw si manny kay jinkee. pera lang naman ang dahilan di ba mga katoto kung gwapo usapan kaya nagustuhan ni krista si manny wala noon. pera lang nagpaguapo di ba!
    eh bakit sya magagalit sa kabit, yung sistah nya ay kabit din, sana sabihan din nya ang kanyang sistah..
    saka tigilan na nila ang magpilit mag artista ….
    hinid kayo pasado sa panlasa ng pinoy umarte at sa politiko..
    kung tutulong tumulong na lang wag ng idaan sa politics iba ang nagiging interest eh..inaabuso na ang kasikatan..

  2. Masyado kasing ginawang hero si pacquiao, oo nga at nagdadala siya ng karangalan, pero siya lang naman ang nakikinabang ng mga kinikita niya at ngayon hindi na niya alam ang priorities niya at pati pamilya niya nasisira na. Pera nga naman, ugat ng kasamaan at pagbabago. Pwede ba na tigilan na niya ang lagi niyang sinasabi pag may laban siya na, para sa pilipino at bayan, hindi, dahil para sa kaniya unang una, dahil magkakapera siya. Ang dapat gawing tunay na hero ay si Efren Penaflorida na nanalo ng CNN hero 2009, dahil ang kanyang ginagawa ay para sa ikabubuti at ikaunlad ng kaisipan ng mga batang salat sa edukasyon at ang pera niyang nakukuha ay ginagamit niya sa mga kailangang pang edukasyon at hindi siya nagpapagamit sa mga politiko.

  3. haleeeeeeeeeeer, pakisabi sa parents ni Jinkee, hwag makialam sa away ng mag-asawa, sino ba bumubuhay sa kanila, hindi ba si jinkee? Saan kumukuha ng pera si Jinkee, hindi ba kay Manny. Dapat hayaan na lang ni jinkee dahil sya naman ang legal wife. Sa pamilya ni Jinkee, eh di hwag nyo iboto si Manny…. pakialam naman namin.

    • sigurado kang si manny ang nagpapalamon sa parents ni jinkee? baka mas may pinag aralan pa ang parents ni jinkee kesa sa pamilya ni manny, ok?! jinkee was able to graduate in college, that means kahit papano may hanapbuhay rin ang pamilya ni jinkee before pa si manny sumikat!

  4. Bakit si Manny at Krista pinagdiskitahan mo. Pansinin mo anag sariling mong pangit na mukha. Pwe Tae ni willie hinihinomd mo.

  5. Gusto ni Cristy tuluyang masira ang pamilya ni Pacman para matulad si Manny kay Willie na sira lagi sa pagpapamilya..

    Mas mayaman di hamak si Pacman kay Willie kaya inggit si Cristy..Gusto nya na lamang lagi si Willie kay Manny, something na imposible namang mangyari kahit sa panaginip pa.

    Gusto nya isama sa burak si Pacman na matagal ng tinitirhan ni Cristy at Willie.

  6. bakit ba ang tagal tagal linawin yung issue kung hindi totoo?

    kung matino kang babae at nali-link ka sa may asawa, would you raise hell in refuting the controversies?!

    team jinkee kami! hay naku, manny. you will never find another woman like her.

    • and aside from dat…nung nbalitaan ni matt na naghubad ang anak nya sa 1 pelikula at nag pose ng sexy sa 1 mag. nag-iiyak na sya sa tv…sa interview b4 ni joey kay matt at krista nagkaroon cla ng tampuhan about don…but ngayon puri na ng anak at pamilya nila ang kailangang linisin d nya mgawa…kung ganun pla ibig sabihin may kato2hnan ung balita na nktanggap na cla ng pera kay manny?
      so sad to think na may pinag-aralan c krista

      • Burak ang mga dangal ng mga Ranillo na. Lalo na ang tatay na si MAT RANILLO. Sa totoo lang, kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, basta ME PERA sila ngayon ay masaya na sila. Tumatawa sila on the way to the banks,to the malls, to fancy restaurants.Wala na silang pakialam sa lahat ng sasabihin ng tao. Basta, nakatuntong na sila sa pera ni Manny Pacquaio. Wala ng makakahila sa kanila sa pagkit ng pagkakadikit ngayon ke Pacman. Malakas na ang loob nila at ng buong angkan nila na mamamatay silang HINDI GUTOM!!!

        Ano pa ba naman ang iingatan niya sa anak na si Krista? Kumabit na sa mga me asawa, naghubad na sa mga pelikula pero hindi pa din sumikat. Di ba pera naman ang hanap nila dahil naghihirap sila dahil sa mga pagkakautang nila. So, SOLVED na ang problem.

        Ang mga kerida at kabit, sad to say, kasama pa ngayon ang mga kamag anak ng kabit, marunong humawak iyan ng lalaki para masipsip ang lahat ng para sa asawa at anak. Eh pamilya kaya ng negosyante ang ina ng Krista, nalugi nga lang ng husto! Kaya sana , marunong din si Pacqauio na mag kontrol ng yaman niya. Baka magising na lang siya na nasa pamilya Ranillo na ang mga pera niya at siya ay poor na. Hahanap na naman ang Krista at Mat ng bagong biktima niyan!!

  7. HELLOW CRISTY, MISS KO NA MGA UPDATE MONG BALITA KAY PAPI WILLIE….ISINGIT MO NMN SYA SA KOLUM MO NEXT ISSUE….ANO NA BA BALITA KAY HOT MAN PAPI?? MISS KO UN…

Leave a Reply

Your email address will not be published.