Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao, nagpakasal ulit sa Las Vegas?!

NGAYONG NANDITO NA ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, sasagutin na siguro nila ang mga isyung kinasangkutan nila dahil wala pa silang pahayag tungkol diyan.

Nagpa-interview sila kay Jessica Soho sa SONA sa GMA News TV nu’ng kamakalawa ng gabi at inamin naman nilang may pinagdaanan silang mag-asawa.

Nakaapekto nga sa nakaraan niyang laban ang problema nilang mag-asawa pero siyempre mahal naman talaga nila ang isa’t isa kaya hindi naman makayang pabayaan ni Jinkee si Manny.

Kaya nga sa huling round daw nito ay hindi na raw nanonood si Jinkee at hinihintay na lang daw niya ang announcement kung sino ang mananalo.

Idinaan na lang daw niya sa dasal, at malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil dininig naman daw ang mga dasal niya.

Ngayon ay okay na okay na raw sila at ang dinig ko pa nga nagkaroon daw ng renewal of vows sa Las Vegas.

Ang napabalita kasi sa internet, inalok daw ni Manny si Jinkee na magpakasal sila uli pero tumanggi raw ang huli.

Ewan ko lang kung hindi natuloy ang kasalan dahil may narinig naman akong natuloy daw ang kasal.

Sinusubukan naman ng Startalk na maka-panayam ang mag-asawa para sagutin nila ito. Abangan n’yo na lang.

Ang gusto na lang daw ngayon ni Manny, bumalik na sa trabaho at maalagaan naman ni Jinkee ang kanilang mga anak.

 

NAKU, HA! DINADAMAY na ngayon si Sen. Bong Revilla sa kasong pagpatay sa kapatid niyang si Ramgen Revilla.

Statement ng isa sa mga witness, sinabi niyang kaya raw sila lumabas na dahil natatakot na raw sila sa buhay nila. May utos daw sina Princess at Bong na ipapatay silang mga witness.

Nakakaloka na itong kuwentong ito. Kung anu-ano na ang mga naglabasang kuwento at kung anu-ano na ang mga sinasabi ng mga witness.

Ang tingin ko na lang diyan, siguro dapat na talagang bigyan ng hustisya hindi lang ang pagkamatay ni Ramgen kundi ang buong pamilya Revilla. Hindi lang ang pagkamatay ni Ramgen at ang pagsangkot ng mga kapatid nito ang naglabasan, kundi pati sina Bong na rin.

Buong pamilya Bautista na yata ang gustong sirain kaya dapat na mabigyan na ng linaw at hustisya itong ginagawa laban sa kanila.

Ayaw na lang itong patulan pa ni Bong, pero siguro ang abogado na lang niya ang dapat na sumagot nito.

Hindi na ‘to maganda at hindi na makatarungan sa kanilang pamilya.

Sana lumabas na lang talaga ang totoo dahil kung sinu-sino na lang ang dinadamay.

Hay, naku! Tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan nito.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao, nagpakasal ulit sa Las Vegas?!

  1. hahaha!!!!! Kamukha na ni Jinkee si Aling Dionisia . Kung gagawa ng Movie si Aling Dionisia pasok na pasok si Jinkee bilang younger Dionisia hehehe

  2. Malaki ang nahaharbat niya kay Bong Revilla. Also, our local news stated that Manny asked Jinkee to marry him again. The wedding is supposed to happen in Mandalay Bay. Hindi raw pumayag si Jinkee. Balitang balita rito ang infidelity ni Manny, local and nationwide. Watchout rin tayo kababayan sa ambisyon ni Manny na maging presidente at si Bong, balak tumakbong VP. Gising na kayo. Isang kilong bigas at de lata ay hindi sapat para iboto ang mga hindi karapat dapat.

  3. MS. LOLIT SOLIS, INAASIKASO MO PA BA ANG IBANG TALENTS MO MALIBAN SA MAY MGA MAPEPERA AT NASA POLITIKA???

    WAG NAMAN PURO SAHOD LANG PERO WALA NAMAN PROTEKSYON NA GINAGAWA PARA SA MGA TALENT…. ABUSO YUN… KARMA DATING NUN…

  4. bakit di sabihin yong pagbato ni jinkee k manny ang nakaepekto sa laban ni manny. tunkol sa dna sa anak niya k kat. la kang kwenta puro bola ka lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.