Jinkee Pacquiao: Ako ang Legal Wife… Not the Other Woman!

NALOKA NA NAMAN ako sa interview namin kay Annabelle Rama sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Mabuti na lang kasama ko si Joey de Leon kaya nahahaluan ng katatawanan kaya medyo napalamig nang konti si Bisaya.

Nakaka-tense pa naman dahil binantayan kami ng abogado at may waiver pa si Annabelle na kung sakaling may masasabi siyang libelous, hindi madadamay ang Startalk. 

Alam n’yo naman ‘pag magsimula nang magtalak si Annabelle, hindi mo na mapipigil ang bibig niya at kung anu-ano ang mga sa-sabihin.

May panibagong kaso na naman kasing isinampa si Nadia Montenegro laban kay Annabelle dahil sa ang sabi ni Nadia, na-forge daw ang pirma niya sa kontrata ng dalawa niyang bunsong anak na edad 5 at 6 years old.

Ang tanda lang daw ni Nadia, ‘yung tatlong anak lang niya ang nakapirma, hindi ang dalawa niyang maliit na anak.

Ang alam daw niya na-forge ang pirma nito kaya nagsampa ito ng kasong Falsification and Use of Falsified Document Under Art. 172.

Isinampa niya ito sa Quezon City kasama ang kanyang abogado at ang partner na si Mr. Boy Asistio at anak niyang si Ynna.

Tipid ang mga pahayag  ni  Nadia  nang  i-

ninterview ito ng Startalk, basta ginagawa raw niya ‘yun para sa kanyang mga anak.

Siyempre galit na galit si Annabelle dahil hindi naman daw sikat ang mga anak niya para pumeke pa ng kontrata. Ano naman daw ang ihahabol niya sa barya-baryang kinikita niya sa mga anak niya. Ang dami niyang sinabi sa Startalk na umabot na sa paniningil ng utang at mga furnitures na pinahiram daw niya kay Nadia.

Hay, naku! Ang gulo na at lalong lumalala na itong away nila.

Nakatakda na ngang pumunta si Annabelle sa Fiscal’s Office sa QC Hall of Justice para kunin ang rek-lamo ni Nadia at sasagutin pa raw niya ito.

Medyo matagal-tagal pa ito, kaya abangan na lang natin at baka may mga bagong kaso na namang maglalabasan.

 

ANG LATEST NA narinig ko, tutuloy na raw si Jinkee Pacquiao sa Amerika para suporta-han ang laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez. Isinantabi muna nito ang isyu nilang mag-asawa dahil kailangan daw niya itong suportahan May pahayag nga si Jinkee na pinagdiinan nitong siya ang legal wife at hindi raw siya ang other woman. May sinabi pa raw itong aayusin nila ang kung ano mang isyu nila ni Manny pagkatapos ng laban.

Malalaman natin iyan pagkatapos ng laban ni Pacman kaya siguro tapusin na ang isyu at huwag na itong palakihin.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Jinkee Pacquiao: Ako ang Legal Wife… Not the Other Woman!

  1. oo si jinky ang legal wife pero mas gusto ni pacman ang mga other woman nya at inaanakan pa magkakalat si manny ng anak sa labas .hay naku jinky join the club ka na lang sa mga asawa ng ibang politician sa harap ng tao sila mag-asawa pero hiwalay sila ng bahay yong lalaki nasa no.2,3,o 4 ito ang kasiping di ang legal wife.sa election lang kasama ang legal wife pero sa kama yong other woman ganito ang buhay ni jinky THE MARTYR WIFE.

  2. legal wife nga sya pero di naman sya kailanman matatahimik hanggat di nagbabago si pacman. Siguro magbabago lang yan kung maglaho lahat ng karangyaan at kasikatan niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.