Jinkee Pacquiao, ‘di halos makilala ni Manny Pacquiao!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!!! Mapapa-yes at mapapa-no ka talaga to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly. At kahit ako ay naloloka sa mga chikka na ito. Naku mga kaparazzi, bago magsimula ang balitaktakan at chikkahan ay maloloka ka talaga sa Earth!

Sang-ayon ba kayo sa pagpaparetoke? Naku, ‘te… ok lang namang magparetoke huwag lang bonggang-bongga. Dahil may nag-chikka sa ‘kin na ito palang si Jinkee Pacquiao, dahil sa sobrang retokada na nga ay hindi raw ito nakilala ni Manny Pacquiao nu’ng makita ang billboard niya sa EDSA.

Naku, ‘te… bonggacious naman kasi ang Ate Jinkee mo, na samantalang noon, si Jinkee talaga ang warlang-warla ‘pag si Manny ang umaalis, pero ngayon, ‘te… dahil sa ang bongga na nga ni Jinkee, si Manny na ang dudang-duda sa asawa niya at tsini-check na ang mga pinupuntahan ni Jinkee at ‘te… ang eksena pa rito, pati ang pananamit niya ay sinisita rin ng lolo mo.

Naku naman kasi, bakit kasi hinayaan mong bumongga ang asawa mo at talaga namang kahit ikaw ay hindi mo nakilala. Hahaha! At siyempre, sumagot naman nga itong si Jinkee. Ang say niya rito ay ayaw naman daw kasi niyang magmukhang kawawa, or should I say loser ang dating niya, ‘di ba?

 

AT HETO NAMAN ang isa pang bonggang-bonggang chikka na talaga namang kumakalat noon na nagkakagulo itong sina Ate Guy, Kuya Germs, Suzette Ranillo at Lala Aunor. Dahil nga kasi sa mga sked ni Nora Aunor, at sa mga kinikita, ‘te.

‘Eto pala ang version ngayon na talaga namang isa sa mga nakakasama ni Nora at credible na ang masasabi lang daw nila ngayon ay masaya raw sila ngayon, at walang gulong nagaganap, at hindi nila pinapansin ang mga isyung ibinabatikos nila kay Ate Guy. Dinidedma lang daw nila dahil alam naman nilang nasa tama sila… kaya dedmahin na rin natin kung kanino man nagsisimula ang mga intrigang ito? Divaaaaaaaaaa?! Pak!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong bonggacious na ito na sikat na TV host? At ang chikka nga nila ay mukhang fly-fly na nga ito sa ibang station!

Naku, ‘te… ang bongga! Mukhang kaya siya umeeksena ay mukhang nakukutuban din niya ang dyowa niya ay flying away rin. Naku naman, ‘te… lilipad lang ang jowaers, join ka rin? Hahaha!

Obvious naman talagang hindi mo kayang mawala ‘yan sa tabi mo… at masa-sabi mong inlababo ka talaga d’yan. Hahaha! Kalurkey, ikaw na!!! Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Jinkee Pacquiao, ‘di halos makilala ni Manny Pacquiao!

  1. ang nangan gailangan ng pag-aayos ay si manny.  kahit na sandamakmak ang pera ay mukha pa ring mabantot.  maano ba kasing alisin o tabasan man lang ang bigote at balbas nya.  pati sana buhok eh ayusin man lang at ng maging presentable ang hitsura.  

  2. naku oo nga, mukhang pumangit lalo si Jinkee, hindi bagay yung retoke nya…baka bumaling pa yung tingin ni manny sa kambal ni jinkee na ngayon mukha na ni jinkee ang mukha nya if Im not mistaken Janet yata ang name ng twin nya…hahahahaha..careful jinkee..

  3. Maski ano pang paganda ang gagawin ni Jinkee kung si Manny gugustuhin na magloko, walang silbe pa rin yong retoke at saka hindi naka excite ang kagandahan galing sa retoke kasi alam na ng lahat na hindi naman natural, fake yon. At honestly, hindi maganda ang pagka retoke ni Jinkee, parang manika na kailan gamitin ng susi para makagalaw. Hindi ganda tingnan ang pagkagawa sa retoke ni Jinkee, just my opinion, parang sumusobra na. How pathetic, you changed what God gave you and you ruined it. You must be one sick unhappy, insecure person not to accept and love your original you.

  4. Tita Swarding ang sabihin mo sana ay baka pinabantayan ni Manny si Jinkee para malaman ni Manny kung saan talaga si Jinkee at hindi mag cross ang landas nila ni Manny at ni Princess (di ba Princess yong name ng anak nila ni Manny at Jinkee? or di ba Queen ba yon? Nakakaluka, hindi ko na maala sa daming pangalan ng mga babae ngayon dito sa mundo, Meron pa doon mga magandang babae na may mga pangalan with matching gold last name). Di bahhhh???????

  5. Pretty naman si Jinkee noon, then naging kamukha si Mommy D after may pinagawa, and lately belo look alike na..sayang ang natural beauty niya!

  6. bakit ganun si jinkee, napanood ko siya sa game show ni Manny… nagkakatanhanan sila at halos hindi maibuka ni jinkee yung bunganga niya at halos hindi na siya maka smile ng natural..banat na yung balat niya sa mukha! kalokah! a la belo na siya! nyeh katakot!!!!

  7. HINDI AKO MAGTATAKA PAG SI MANNY EY NA INLOVE KAY MADAME AURING KASI MUKHANG IDOL YATA NI JINKEE…….USO NA PALA ANG ZOMBIE LOOK NGAYON…..BAKA MAY OFFER KAY JINKEE NA MOVIE YUN ANG REMAKE NG “HIRAM NA MUKHA”……HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.