Jinkee Pacquaio, milyones ang ginastos sa pagsi-shopping ng mamahaling bag! – Lolit Solis

May formal launch kay Claudine Baretto sa SOP nu’ng nakaraang Linggo at na-korner siya roon ng Startalk reporter namin para tanungin sa isyu pa rin nila ni Mark Annthony Fernandez.

Nang tinanong siya tungkol kay Mark, biglang nag-goodbye ang sagot at dedma na siya sa mga sumunod na tanong.

Kasi nagka-isyu dati na nagtampo raw itong si Claudine kay Mark dahil hindi nakasipot ang huli sa meeting nila sa Viva.

Naipaliwanag naman ito nang maayos ni Mark at ang alam ko, nagkausap pa sila at okay na ito kay Claudine pero biglang iba na naman yata ngayon ang kuwento.

Nakausap din si Raymart Santiago at sinabi naman nitong ginawan daw niya ng paraan na magkaayos ang dalawa at okay na raw.

Nang tinanong din si Mark sa story conference ng Diva ay sinabi rin nitong okay na sila ni Claudine. ‘Yun nga lang mukhang malabo pa silang magkatrabaho dahil sisimulan na nga ni Mark ang Diva na pagsasamahan naman nila ni Regine Velasquez.

Hindi raw kasi puwede si Mark magsabay-sabay ng trabaho kaya pagkatapos pa raw ng Diva bago niya gawin ang ano mang project nila.

Kaya mukhang matagalan pa bago sila magsama. May ibang project daw na gagawin ni Claudine sa GMA, pero siyempre kailangan pa niya munang magpapayat, ‘no!

Pero ang hinihintay pa talaga ay ang pagsasamahan nilang dalawa ni Mark.

BAGONG THERAPY KAYA ngayon ni Jinkee Pacquaio ang pagsa-shopping. Naloka ako sa kuwento ni Tim Yap sa Tweetbiz na magmula nang magbukas daw ang Hermes na shop sa Greenbelt 5, madalas daw ang pagpunta roon ni Jinkee para mamili ng mga bagong labas na bag.

Bongga pa naman ang presyo ng isang bag na merong umaabot ng isang milyong piso ang halaga ng bag na ‘yun.

Kuwento pa ng isang male TV host, nasalubong daw niya minsan si Jinkee na kalalabas lang ng Hermes shop, sampung bag daw ang dala-dala ng alalay nito.

Bongga ‘di ba? Talagang bonggang-bongga ang pag-shopping ng Hermes bag!

Kapag bumili ka pa naman dito kailangan may schedule o nakapila bago ka ma-accommodate. So ibig sabihin, kapag si Jinkee ang mamimili, hindi na kailangan magpa-appointment dahil sampu-sampu agad ang bitbit pauwi.

Palagay ko dito na lang sa pagsi-shopping inilalabas ni Jinkee ang mga hinanakit niya o isyu sa kanila ni Manny.

Idaan na lang sa shopping ang lahat para wala nang gulo, ‘di ba?

Ano kaya ang reaksiyon nito sa mga sinabi ni Suzette Ranillo na huwag naman daw husgahan agad si Krista dahil hindi naman daw ito bad person?

I’m sure may sagot diyan si Jinkee!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

34 thoughts on “Jinkee Pacquaio, milyones ang ginastos sa pagsi-shopping ng mamahaling bag! – Lolit Solis

  1. maryosep di niyo ba ma gets baket madami binili ni jinkee na hermes???

    diba may shop sya sa gensan, eh wala naman nabibilihan doon ng mga imported kaya siya nag aabroad pa.

    huwag muna kayo mag husga bago kayo mainggit dyan. may shop si jinkee at dun niya binebenta yung ibang bags na binibili niya for her rich customers.

    punta kayo sa youtube at maghanap kayo ng mga interview niya nung magbukas ang shop nya..

    kaloka kayo!! mga inggitera!

  2. Who cares about mahihirap? Paunlarin nila sarili nila, ‘no? They should grow some brain cells and work hard hindi ‘yung puro asa na lang sa gobyerno, lotto, wowowee at sa TV show na may batang manggagamot!

  3. ok Lang yung, kahit 5 dozen ng bags bilhin nya kse pinaghihirapan nman ng asawa nya. Ang mahirap Kung si krista ang bumili ng Hermes na di nman kanya ang PEra at galing pa ke manny. Original na asawa sya. Bilhin nya lahat ng gusto nya. Man bankrupt man sya, wala na kayong pakialam doon. Kc di nman sila humihingi ng panlamon inyo! Get over it! Be happy!

  4. Ang dami naman nakikialam sa pag shopping ni Jinkee. So what kung mamili siya ng milyones na bag e pera naman nila yun at di ninakaw sa kaban ng bayan? Hirap kasi sa ibang tao, inggit na inggit. Matuwa na lang tayo sa mga blessings natin sa buhay kaysa makialam at magdikta kung paano dapat gastusin ng mga tunay na mayayaman ang kanilang pera. Live and let live, enjoy your life and stop the negativity!

  5. yan ang outlet nya. Yung iba pag galit, lumalamon. Pero si jinkee, bags. Sa dami ng naitulong, sarili nman ang I pamper. Kahit 2 dozens na Hermes, basta kaya ng bulsa ok Lang yun! At least, me anak syang 2 girls. Pwede nya ipamana.

    • eh ang tanong, uso pa kaya ang designs ng bags na pinamili pag time na na ipamana niya sa mga anak niya? baka mamatay sa hiya ang mga girls na iyon pag sinabi ni jinkee na: mga anak sa inyo na itong mga hermes ko.

      • classics ang mga hermes na bag. hindi sila yung tipong nauuso at nawawala sa uso.

        and its her business what she does with her money. kahit sunugin pa niya yan lahat.

      • ay ugok! Hermes bag since 1837. Ang isang gamit, pag tumatagal, tumataas ang appraisal value! Lalo na pag authentic ang isang bagay! Di nman Basta guess bag Lang yan. Di nman sa lahat ng USO bibilhin mo kaya ka bibili dahil yun ang gusto mo! Yun sa tingin mo na bagay sa personality mo.

      • korek! sa tingin nyo ba kung si jinkee ang magsuot nun at hindi pa sila ganun kayaman ay papansinin o mapapansin ng mga tao ang hermes bag niyang dala-dala? absolultely not. Iisipin nila na peke lang yun.

  6. Kung kayo kaya ang manalo ng 100 milyon pesos sa lotto, imposibleng di kayo bibili ng mamahaling gamit?! Sus hwag maging ipokrita! Masama ang mainggit sa Tao, gawin nyong challenge sa inyo ang karangyaan ng iba. Para umasenso ang buhay nyo. NASA asia man kayo o sa aboard, maging masaya sa nakakamit by kapwa nyo. Tama na ang inggitan! Wala asenso dyan!

      • e paano kc, di ka nman ganun kaangat buhay nila. Ewan ok na Lang pag binalatuhan ka ni jinkee ng isang Hermes bag,Baka ipag malaki mo pat ibenta para makapagpagawa ka 1m na bahay. Tama na ang pagiging pessimistic! Di tayo aasenso dyan. Ang isipin mo, pag ikaw nman ang yumamam, bilili rin ng bag, yun nga Lang di Hermes kc di abot ng bulsa.

    • tama…
      hindi tulong lagi nlng itulong nlng daw sa kapwa
      pano aasenso kayod…kailngang kumyod hindi laging nksahod ang kmay at antay ng tulong ng kapwa
      walang asenso dyan

  7. Mga ugok! Milyon Milyon na ang naitulong ng mag asawa.e ano kung gumastos sya by milyon, di naman nya ninanakaw sa kaban ng bayan? Inggit Lang kayo! Pag kayo kaya ang sinuswerte, di syempre titikman niyo lahat wala kayo noong yagit pa kayo! Kc na deprived kayo. Ganun nman talaga e!

    • wala ka cguro pambili ng bag kaya dikit ka kay jinke. hehehe. kahit ka me pambili bakit ka bibili ng sobra? katakawan na iyan. ung lang ang point d2, BUGOK! isama nyo sa libingan nyo mga bag na yan. bwahahaha.

      • Ang bobo ni Katrina! sabi na nga yan ang outlet ni jinkee kc galit sya. punta ka sa pyschologist at magtanong ka about defense mechanisms. Yung iba nga pag depress, kain ng kain, Iba nagpapatattoo, iba nman magpaparetoke ng katawan. Si jinkee, e nasa kanya na lahat lahat, (libre make over kc endorser sya ni belo, bahay, pera etc) siguro, sa bags or shopping galore lang sya nakaka release ng emotions nya.

  8. me hermes bag ka nga, pangit at amoy patis ka naman at puno pa ng libag! hehehe! mas mabuti pang gumamit na lang ng plastic bag at tumulong sa kapwa. sumaya pa ang pakiramdam mo. anong say mo, ha, rufina? hehehe

  9. @Katrina Halinghing
    sus kayo e mayaman ang tao e.. xempre gusto nya din magkaron ng ganon..

    kapag kayo naka angat sa buhay ganyan din gagawin nyo syempre gusto nyo maranasan ung ganon bag na mamahalin..

    inggit lang kayo..

  10. o diba totoo, lahat gagawin ni jeenkeelou para makita rin sa mga magazine at mapag usapan parang kris din… kawawang jeenkeelou gutom talaga sabi ko nga balang araw iluliwa nya pati yung kinain nya para lang maipakita sa buong mundo kong ano ang kinain nya para lang masabing rich sya… nakakainggit nga lang dahil kailangang pang mag pabugbug ni mankeylou para lang magkaruon ng bilyon na pera para may pambili si jeenkeelou ng mga bag na nagkakahalaga ng milyon.

    sana idonate na lang nya yung kalahati sa mga mas nangangailangan at ilagay nya yung pangalan nya at mag pa press para lalong sumikat at least nakatulong… kawawang jenkeelou… nakakainggit

  11. Wala nang magawa si Jinkee kasi nagsusumiksik na si Krista ke Manny. Ginagawa at tinatrabaho ang lahat para di siya iwanan ni Manny.

  12. nyeta nmang jinkee, ang daming mahihirap jan sa pinas ndi n lang itulong kesa ibili ng milyones na bag. aanhin nya mga bag na yan, isama nya sa libingan?

      • hindi naman sa minamaliit ko ang GenSan ha. pero sino naman kayang taga-gensan ang mag ka interest na bumili ng hermes bag? ang alam ko sa mga mayayaman sa gensan, simple-living lang. baka himatayin pa ang mga iyon pag nalaman nila ang presyo ng isang bag. hindi kasi cla mga show-off. akala mo mga walang pera ang taga roon sa sobrang simple, pero wag ka, ang yayaman, day.

      • Sa tingin ko, Hindi lang basta mayaman ang Pacquiao. kundi, BILYONARYO SILA! kahit buong gensan, kayang kaya nilang bilhin. feeling mo show off sya? di nman siguro kc di nman nya pinagmamalaki hindi tulad ni angelica na ibrinodcast pa sa SNN. Di na nya kailangan mag show off kc It’s GIVEN na! everyone knows that jinkee and manny are “THE UNTOUCHABLES”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.