Jinkee, nag-react na raw sa Krista Ranillo-Manny Pacquiao rumored link up! – Gorgy’s Park

MAY NAGKUWENTO SA aming nakarating na raw kay Jinkee Pacquiao ang isyung pagkaka-link ng asawang niya kay Krista Ranillo.

May mga nakarating sa aming kuwentong mga sinasabi raw ni Jinkee pero ayokong isulat dahil haka-haka pa lang naman ‘yun. Hindi ko naman narinig kung talagang sinabi ‘yun ng asawa ni Manny Pacquiao.

Ang isa pang ginugulo naman ngayon ay ang matagal nang kasintahan ni Krista na si Direk Dominic Zapata ng “Darna”.

Nang nagkaroon ng press visit sa “Darna” kamakailan lang, todo-iwas ito sa mga reporters na gustong magtanong sa kanya. Hindi raw talaga siya magsasalita at wala raw makukuhang istorya sa kanya kung tungkol kay Krista ang pag-uusapan.

[ad#post-ad-box]

Pero ang nakarating na balita sa amin, matagal na raw silang break ni Krista at may kasunduan daw sila na walang magsasalita tungkol sa kanilang hiwalayan.

Maaaring sinusunod lang ni Direk Dom ang usapang ‘yun kahit marami na ang nagsasabing dapat na siyang magsalita dahil pinag-uusapan na itong isyung Manny at Krista.

May mga nagsasabing maaaring pinalalaki lang ito dahil publicity raw ‘yon sa pelikula ni Manny na Wapakman, kung saan kasama roon si Krista.

Pero ayon naman sa ilang mga nagparating ng kuwento sa amin, nasa Amerika na raw si Krista kasama ang buong pamilya para manood ng laban ni Pacman. Alam na kaya ito ni Jinkee?

Meron pang nagkukuwento na kaya walang imik ang pamilya ni Krista dahil nangako raw si Pacman na siya ang sasagot ng campaign fund ni Mat Ranillo III kapag tumakbo na ito sa darating na eleksiyon.

Tahimik si Krista sa isyung ito pero maraming mga lakad si Manny na nakikitang kasama siya. Lahat naman daw ng lakad nito ay alam ni Direk Dom dahil tini-text daw ito sa kanya.

‘Yun ay pawang kuwentong nakarating sa amin. Dapat meron nang magsalita sa kanila para luminaw na ang lahat. Pero kung walang magsasalita at mananatiling tahimik ang lahat sa isyung ito, malamang, may bahid ito ng katotohanan.

NAGSISIMULA NA NGAYON ang international audition ng Starstruck. Katatapos nga lang ng audition nito sa Singapore at Hongkong.

On-going naman ngayon ang sa Middle East at ang susunod ay sa Japan at sa Amerika kung saan magkakaroon sa Los Angeles, San Francisco, California at sa New Jersey.

Kasama si Raymond Gutierrez sa Amerika pero hindi nito tatapusin ang audition sa New Jersey dahil susunod ito sa Europe kung saan magkakaroon ng taping ang Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista sa Prague at France.

Maraming nabago sa line-up ng council at pati sa mga host dahil sa matinding re-shuffling ng mga Kapuso stars gawa ng ilang talents na balak pasukin ang pulitika.

Ilan sa mga artistang nakatakda nang mag-file ng candidacy ay sina Sen. Bong Revilla, Richard Gomez, Alfred Vargas at iba pa.

Hindi na sila mapapanood sa GMA 7 pagkatapos nilang mag-file ng candidacy kaya naman pati ang Starstruck ay apektado.

Malapit na ring i-announce kung sino na talaga ang mga nasa council at ang mga hosts sa naturang talent-reality search.

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

16 thoughts on “Jinkee, nag-react na raw sa Krista Ranillo-Manny Pacquiao rumored link up! – Gorgy’s Park

  1. She’s a real whore. HOME-WRECKER! sana bumalik sa kanya ang KARMA.. eh pera lang naman ang dahilan kaya yan lumalandi kay manny! kng ako si jinkee bgyan ko ng isang “KNOCK-OUT” yan eh.

  2. Ang tanga mo naman pakyaw kung padadala ka sa matatamis na dila ng iba….naku naku naku ! kung mayrelasyon nga kayo ni krista alam ni aling dionisya yan kung gano kasakit dahil sa naranasan nya sa ex husband nya….masakit as in masakit…manny malas yang ginagawa mo…baka yang nasa leeg mong rosario biglang lumiyab yan habang suot mo…cge ikaw rin…..

  3. Hoy krista hindi ka nalalayo sa asong ulol na sunod ng sunod kay pakyaw, alam mona na may asawang tao sya. alisin mo make up mo maganda pa sayo inidoro…katulad mo ang dapat marape kc mahilig ka pumatol sa may asawa….baka naman may comission ang mga nagtatakip kay krista…..

  4. kung gimmik lang to bakit sobrang naging emotional si jinkee sa thanksgiving mass nila ni manny after the fight????i pity jinkee….sana maisip ni manny what happens if mawalan na sya ng pera and fame…would these bitches still stand by him???he has to always remember these bitches are only there for his money and fame…NOTHING MORE!!!!!!!

  5. hindi mo masasabi ang ibang artista akala mo maraming pera pero di mo alam nasa roller coaster ang iba pagdating sa pera kapag may trabaho meron kapag wala wala…

    kay ayung iab ahalos magpakamtay na mapansin lang at mabigyan ng work ulit

    di na krista nag pa sexy na ng husto sa FHM atenista oa yata itong bata na ito… kung may negosyo pa sana sila pwede pero kung p urong showbiz eh naku sabit yan

  6. kawawang jinky, todo make over sa sarili,pero wa epek pa rin sa mister niyang playboy…hoy manny,baka magising ka na lang isang araw, lahat ng pera mo, nasa babae mo na……….hala ka dong……………balik ka tinda maruya dong……

  7. day,pag may pera ang isang tao,kahit pangit pa itsura niyan,papatusin yan!!!……iba yata kapangyarihan ng pera..so, hindi talaga imposible na magkagusto c krista kay manny…………..look at greta………..gwapo ba c tonyboy???…. kahit mukhang unggoy pa yan,pag may pera,hala tihaya day!!!!…hehehe…….

  8. Parang hindi naman yata papatulan ni Krista si Money Pakyaw. Hndi ko rin gusto si Krista pero mukhang may taste naman siguro sya pagdating sa paagpili ng guys. Parang pumatol sya sa driver nya :D

  9. Oy Money Pakyaw, kung totoo man to, manahimik ka nalang talaga. At ikaw din Krista. Kasi kapag nagsalita kayo, for sure todo deny naman kayo. Meron na bang umamin na celebrity or artista na ”oo, kumabit ako kay ganito, ganyan” or ”oo, may asawa na ako pero syota ko pa rin si ganito ganyan”.

    Wala naman diba?

    So sige, magbulag bulagan nalang tayong lahat.

  10. hay naku!! sana matalo na itong c manny sa laban nila ni cotto…sobrang yabang na kasi…sobrang lumaki na ang ulo niya….mas mabuti pa balik tinda na lang siya ng pritong saging..manny, mag isip isip ka, bago bawiin ng DIYOS sayo lahat ng biyayang binigay NIYA……BAKA SA kangkungan ka pupulutin..sobra ka na!!!….. baka mawala lahat sayo,pati pamilya mo,dahil sa mga kalokohang ginagawa mo….kawawa naman asawa mo…..wish you bad luck!!!…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.