Jinggoy: Wag idamay ang nanay ko

UMAAPELA SI Sen. Jinggoy Estrada na huwag nang idamay ang kanyang ina na si dating Sen. Loi Estrada sa kontrobersiyal na  pork barrel fund scam.

Ayon kay Estrada, sobrang masama ang loob ng kanyang ina na pati ang kanyang pangalan ay nakaladkad sa naturang isyu ng korapsyon hinggil sa milyun-milyong pisong pondo mula sa pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Iginiit ng mambabatas na tulad niya ay wala umanong kinalaman ang kanyang ina sa scam.

“She feels so bad. She feels so upset with all that’s happening. Sana spare her na lang. Wala namang kinalaman ang nanay ko dito,” pahayag ng mambabatas.

Sinabi ng senador na bahagi lamang ito ng kampanya ng kanilang mga kalaban sa pulitika para madiin sila sa isyu.

Mariin namang itinanggi ni Estrada ang kanyang ugnayan kay Matt Ranillo taliwas sa akusasyon ng mga testigo na ang aktor ang nagsisilbing middleman sa pagitan nina Janet Lim-Napoles at mga mambabatas kabilang na sa nakababatang Estrada.

Aminado ang mambabatas na kilala niya si Ranillo ngunit, ito umano ay dahil sa pagiging artista niya at hindi dahil sa maanomalyang transaskyon sa PDAF.

Kinumpirma din ng senador na malapit na kaibigan ng kanyang ina si Tantoco, ngunit wala umanong kinalaman ang dating first lady sa anomalya.

Kampante naman si Estrada na hindi siya ididiin ng kanyang dating staff na si Pauline Labayen taliwas sa ulat ng lulutang ito at tumestigo pabor sa prosekusyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Jinggoy: Wag idamay ang nanay ko

  1. BAT KAYA MASYADO NAMANG DEFENSIVE ITONG SI UNGGOY ESTRADA SA NANAY NYA, EH NABANGGIT LANG NAMAN NA MEMBER NG MARE, ANG MGA NA-INVOLVE NA PERSONALITY? ANG ISA RAW AY NAHUHULI SA BIBIG. YUN NA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.