Jinggoy, Itinangging Inaresto sa US

ITINANGGI NI Sen. Jinggoy Estrada ang kumakalat na ulat sa social media hinggil sa umano’y pag-aresto sa kanya sa Amerika.

Iginiit ng mambabatas na hindi totoo ang lumabas sa nasabing artikulo.

“My staff just called me at 5:00AM to inform me that there is an article circulating in Facebook that I have been arrested in the US for bringing in huge amount of US$. That is absolutely NOT TRUE… That story is incredible to say the least.”

Napag-alaman na ang ulat ay mula sa So, What’s News? na may titulong “Jinggoy Estrada Arrested After Trying to Smuggle Money Inside His Breasts to US”.

Lumalabas sa mistulang parody report na dinakip ang senador ng mga opisyal ng San Francisco International Airport.

Patunay pa ng mamabatas sa pagsasabing peke ang naturang report, nakita siya ng ilang kababayan sa Amerika. “[They] were happy to see me and even took pictures of me.”

Hindi naman sinagot ni Estrada ang balita na hindi umano niya kasama ang asawa nang magpunta sa Amerika.

Maaalala na sinabi nito sa isang panayam na matagal na nilang planong magtungo sa Estados Unidos para hu-mingi ng second opinion kaugnay ng kalagayan ng kalusugan ng misis na si Precy.

Samantala, umalis ito ng bansa sa harap ng hirit ng Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ikansela ang pasaporte nito dahil sa kasong Plunder kaugnay ng PDAF scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.