Jinggoy, babalik – Malacañang

KUMPIYANSA ANG Pa-lasyo na tutuparin ni Sen. Jinggoy Estrada ang binitiwang pangako na babalik sa bansa.

Maaalala na plano ng mambabatas na bumiyahe ng US upang patingnan ang bukol ng kanyang misis sa dibdib nito.

Ayon kay Communications Group Sec. Sonny Coloma, pinanghahawakan nila ang pangako ng senador sa mga panayam ng media na hindi ito tatakas at haharapin ang kasong plunder hinggil sa  P10 bilyong pork barrel fund scam.

Samantala, una nang idinepensa ng Palasyo ang hakbang ni Justice Sec. Leila de Lima na ipakansela sa DFA ang pasaporte ni Estrada sa pagsasabing naaayon ito sa itinatadhana ng Philippine Passport Act at upang masiguro na gugulong ang hustisya sa anomalya sa paggamit ng PDAF.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.