Jimmy Santos sumikat nang husto sa Eat… Bulaga!

HINDI KAILA SA marami ang malaking importansiya ng Eat… Bulaga! sa career ng komedyanteng si Jimmy Santos. Ang longest-running noontime show ang naging daan upang makilala nang husto si Jimmy bilang comedian at bilang host na rin.

Jimmy reinvented himself through Eat… Bulaga!. Ang dating basketball player na naging character actor ay isa nang sikat na komedyante ngayon. Ang kanyang ‘carabao English’ ang talagang nagpatanyag sa kanya noon at magpahanggang ngayon.

Paano nga ba nagsimula si Jimmy sa Eat… Bulaga!?

“Through Tito, Vic and Joey, naging member ako ng Eat… Bulaga! basketball team. Nag-eensayo kami, M-W-F. Siyempre, kasama na ‘yong biruan. Una nila akong nakasama bago ang Eat… Bulaga! ay sa Iskul Bukol. Hanggang sa naging pinchitter ako sa ‘Bulaga’ noong 1983 kapag may ‘Bulagaan.’ Nasa channel 9 noon ang EB hanggang sa naglipat. Nang tumakbong senador si Tito noong 1986, naging regular na ako,” kuwento ni Tito Jimmy sa akin sa dressing room ng EB.

Sa tinagal ng show, may ilang insidenteng hindi malilimot si Jimmy.

[ad#post-ad-box]

“Noong naglilipat kami, tumatakbo kami. Naroon ‘yong tumatakbo kami papuntang Araneta. Doon ko nakita ‘yong karamihan ng tao, punum-puno ang Araneta. Naisama na nila ako sa abroad, sa San Francisco.

“At noong si Tito, magse-senador at aalis na sa Eat… Bulaga!, hagulgulan talaga. Hindi nga namin natapos ‘yong kanta. ‘Yon ang ang pinaka-ano…”

Utang na loob ni Jimmy sa show ang lahat halos ng blessings na tinatamasa niya ngayon.

“Unang-una, sa kabuhayan. Dito ako nadiskubre, malaking bagay iyon. Na-discover ako ng Viva. Kung hindi sa Eat Bulaga, hindi ka mapapansin. Kasalukuyan akong character actor noon. Nakasama ako nina TV, Vic and Joey sa Starzan. Naglaro ako sa PBA team, sa 7-Up, one conference lang. Noong una, naglaro ako sa JRC.”

According to Jimmy, lahat ng kasama niya sa show ay close sa kanya. This means, hindi lang sina Tito, Vic and Joey ang malapit sa kanya.

Sa paningin ng komedyante, maraming achievements ang Eat… Bulaga! sa loob ng thirty years nitong pamamayagpag sa ere.

“Nakita ko ang natutulungan ng Eat… Bulaga!, may nagiging milyonaryo. Lalo na ngayon, may foundation na sila, nagpapaaral sila. Nakakatuwa kasi, unang-una may mga naging Little Miss Philippines, ‘yong mga Birit baby. Maraming nanggaling sa EB na ngayon namamayagpag.”

Ina-acknowledge ni Jimmy na na-reinvent siya ng EB.

“Oo naman. Without EB, nasaan tayo? Hindi tayo mabibigyan ng chance na ganito. Ang ‘Bulaga’ kasi, walang ano. Basta, considered kapamilya ka. Basta i-appreciate mo lang ‘yong ginagawa nila. Ganoon silang magbigay ng halaga, ng importansiya.”

Ang brand of comedy nga niya ay na-hone niya nang husto mula nang mapasali siya sa EB. “Malaking tulong ‘yon (EB), plus ‘yong pini-pitch mo. Alam mo naman sa isang tinimplang bagay, kung tama ang timpla, maganda. May matabang, kaya kailangan ay ayos na ayos.”

Nagki-click ang EB sa televiewers dahil hindi ito stagnant.

“Ang EB bago nang bago. Mga bagong pakulo para sa audience. Pag nag-isip ang Bulaga, una sa mga audience. Hindi nila inaalis ‘yon. Parang balik lang ng EB ‘yan sa mga nanonood. Kaya hindi sila tumitigil sa pagbibigay ng magandang portions na pakikinabangan ng mga audience.”

Kilala ang Eat… Bulaga sa batuhan ng mga biro. Sabi ni Jimmy, walang instance na napikon siya sa mga biro sa kanya. “Pagpasok mo sa ganyan, kailangang naka-ready ka. Wala namang below-the-belt dito. Ibang usapan na ‘yon. Siyempre, may mga writers kami. Kapag ‘di angkop sa sitwasyon, binabago namin.”

After thirty years, saan patungo ang Eat… Bulaga!?

“Maraming plano ang EB lalo na si Joey. Sabi nga ni Joey, hangga’t may bata, may Eat… Bulaga!. Eh, hindi naman mauubos ang mga bata kaya hindi matatapos ang Eat… Bulaga!”

Sina Tito, Vic and Joey ang nagbigay ng napakalaking break kay Jimmy. Needless to say, napaka-grateful niya sa tatlong komedyanteng nagdala sa kanya ng ibayong tagumpay sa kanyang career.

“Sila ang mga taong hindi selfish sa mga talent. ‘yung iba kasi, ‘pag alam nilang masasapawan ka, medyo pinupuwera ka, eh. Sila hindi, pinababayaan ka nila. Ilabas mo ‘yong nalalaman mo. ‘Pag ‘yang tatlo, pinansin ka nila, kailangang mabilis ka lang. ‘Yon ang way ng pag-ano, training nila. Hindi sa behind, ha, sa ere. ‘Pag kasama mo sila sa ere, kailangang naka-ready ka kasi babato at babato ‘yan eh,” pagwawakas ni Jimmy.

By Alex Valentin Brosas

loading...

14 thoughts on “Jimmy Santos sumikat nang husto sa Eat… Bulaga!

  1. jimmy, ruby, julia, luoigee, paolo, toni rose, anjo at eb dancers n wlng kwentang sumayaw, dapat d2 tanggalin n cla s EB, hindi nmn cla nkk2long s rating!

    bago mag perfrom ang contestant kailangan may “drama interview portion” pa! nakakaboring cla at dapat ng i-recylce ang show.

    paging malou choa fagar, do something please!

  2. Jimmy Santos sumikat nang husto sa Eat… Bulaga!

    … WHAT? ano to FLASHBACK? sabihin nyo mga FEELING SIKAT pa rin ang mga tiga eat bulaga kahit matgal nang… HINDE!

  3. yung mga sumasamba, panatiko, mga bulag na naakay ng ABS konting lawak ng isip nman dyan..ang pagkatalo sa AGB sana tanggapin nyo.inamin na mismo yan ng ABS kya talo daw sila sa mega manila dahil mahina ang signal nila sa mega manila..pro sa ibang provinces sa luzon esp. visayas and mindanao panalo daw sila at sa mga provinces kung saan pantay ang signal ng dos at siete panalo daw sila..pro nililihis nyo pa rin..sabi nyo nandadaya sa mega manila ratings ang siete..nambayad ng 500 at anu ano pa..ganun naba kyo kagahaman sa ratings???ngayon yang mga sumasamba sa DOS gusto nila pati mega manila sa kanila na rin..dba panalo na sila sa TNS ratings?ano pang gusto nyo..gusto nyo yta hawak nyo ng lahat?dba pwede magshare naman kyo ng konti..huwag nyong sakupin ang lahat..

  4. huwag daw kayo manila sa Mega Manila ratings nyahahaha..
    Mega Manila ratings lang naman ang ginagamit na basehan ng EBS noong sila pa ang no.1.. binabalandra nila yan sa tv na sila ang no.1 dati inuulit ko dati nung sila pa ang no.1 sa Mega Manila.. natalo sila sa ratings kaya inakusahan ang GMA na nandayaw daw gamit ang mga bayaran at walang kredibilidad na mga witnesses kuno, na yung iba dating empleyado nila sa regional station nila sa Bacolod nyahahaha!

    yan ang tunay na paninira paulit-ulit na binabalita sa TV na nandaya daw ang AGB at GMA.. di kasi matanaggap na after ilang taon na pagiging no.1 sa Mega Manila natalo at naungusan sila ng isang maliit ng network gaya ng GMA! well, dati nang ganyan ang EBS mapanira.. sinisiraan ang mga kalaban nila sa negosyo para masolo ang iba’t ibang businesses sa Pilipinas!

    ang wowowee puro hype lang, sikat lang si willie sa mga iskandalo na kinasasangkutan niya.. helLo 0-2 WILYONARYO SCAM, ULTRA STAMPEDE, NENA V SANTOS -REPOSSESSED HOUSE N LOT NA PRIZE, CHLOE RONQUILLO NAGREKLAMO SA MTRCB, WILLIE’S OUTBURST ON TV SA FUNERAL CORTEGE NI CORY AQUINO!

    cge na nga, puro flop ang gma sa movies at walang flop sa ebs diba piolo? diba juday? sa inyo na ang movies magkano ba ang kikitain diyan? mas malaki ba sa tv? nyahahah! sa tv maraming ad support kung saan kumikita ng mas malaki ang tv stations at sa movies kakarampot lang dahil ilang beses sa isang taon lang gumagawa ng movies.. sa tv araw-araw at gabi-gabi napapanood mo ang mga fave shows mo at puno pa ng ad placements bawat commercial break kaya malaki ang kita e sa movie ganyan din ba? LOL!

  5. THANK U PINOY PARAZZI 4 FEATURING EAT BULAGA! INGGIT NA INGGIT YUNG MGA KAWAWAWE AT KAPALMILYUK. .HAHAHAHA! PANO WALANG MAGANDANG MASABI SA KANILA KUNDI PURO NEGA LALO NA YUNG HOST NILANG HINAYUPAK! GO! GO! GO! EAT BULAGA! CONGRATULATIONS AND MORE POWER! NUMBER 1 PA RIN KAYO AT THE BEST. .AND THANK U AGAIN PINOY PARAZZI. .at sa kapalmilyuk at kawawawe mamatay kayo sa inggit. .hakhakhak!

  6. Kailangan i-promote ang EB dahil nilalampaso sila ng WOWOWEE. Sa 30 years nila, now lang nila ito ginawa. Kaya U will know there motif di ba?

    Malaking kasiraan si Joey DeLeon sa EB. Siya ang sumira sa credibility ng EB for 30 years.

    Dapat nun pa sila gumawa ng paraan ng magsimula ang WOWOWEE nung 2005 pagdating ng 2006 eh #1 na ito until now. Naka-establish na sila so pano nila ito maayos. I think, itong pag promote nila sa Pinoy Parazzi at sa iba pang online site. Ay isa sa mga way of promoting EB. Ok yan. Dapat continous lang ang pag-promote.

    Pero in my opinion, babalik lang ang sigla ng EB sa ratings pag nawala si Joey DeLeon at yung iba pa nilang kasama sa show. 2nd, gayahan na nila ung format ng Willie of Fortune. Tutal uso naman ang gayahan ngayon. Like ung Talentadong Pinoy na madami ng gumagaya. 3rd, mag-reformat sila totally.

    For sure may magr-react sakin pero ito ang totoo. Wag kayo maniniwala sa Mega-Manila ratings ng GMA-7. Isang patunay nyan, lahat ng mga movie ng talents nila ay puro FLOP. Kahit anong press release ng GMA-7 using media o press eh kitang-kita naman pag gagawa ng movies ang mga talents nila na flop palagi. Isa pa kaunti lang ang donation nila para sa ONDOY dahil mas naniniwala ang mga bigatin kumpanya at mga tao pati sa ibang bansa sa ABS-CBN Foundation binibigay. Dito makikita kung sino talaga pinaniniwalaan ng tao. Ang kasikatan ng GMA-7 at dahil sa tulong ng media o press lamang. Dahil di nila matanggap talo sila, ang ginawa nila eh inintriga ang Sagip-Kapamilya. Nagkalat ng mga negative text messages. Tama ba yun. Ugali na talaga yan ng KAPUSO ever since as part ng marketing nila. Para sakin tama yun ganung marketing strategies.

      • tagal ko nang napansin ang kulafing na ‘to na sobrang galit sa GMA. ba’t kaya? mapa show, mapa talent ng GMA talagang pinag-aaksayahan niya ng comment. di kaya ex-employee to ng GMA, pinatalsik dahil sa kung anong kasalanan? may pa research2 pato eh. hahaha. chill bro or sistah, whatever you are.

    • “’Pag sinabi mong Eat… Bulaga!, ‘yong talagang napapangiti ang tao. Malaki ang naitulong niyan. Maraming naitulong financially. Maraming na-open na oportunidad. Maraming napasikat ang EB. Makikita mo talaga na it’s a show with the heart.”

      “Ang mahalaga naman kasi, ‘yung sincere ka sa pag-e-entertain. Masarap ‘yung feeling namin ‘pag napapasaya ang aming audience, ‘yun ang aming collective sense of fulfillment, lalo ngayon, ‘di ba, mahirap ang buhay?”

      Pag nag-isip ang Bulaga, una sa mga audience. Hindi nila inaalis ‘yon. Parang balik lang ng EB ‘yan sa mga nanonood. Kaya hindi sila tumitigil sa pagbibigay ng magandang portions na pakikinabangan ng mga audience.”

      hangga’t may bata, may Eat… Bulaga!. Eh, hindi naman mauubos ang mga bata kaya hindi matatapos ang Eat… Bulaga!”

      providing no-nonsense entertainment is a moral responsibility. Without throwing brickbats at its rival noontime program. “Tayo naman kasing mga Pinoy, basically, masayahin. Pero ang pagpapatawa kasi, dapat may puso rin, hindi mo iniinsulto ang tao, iginagalang mo anupaman ang antas niya sa lipunan.”

      YAN ANG WALA SA PABORITO MONG WOWOWEE

      Sina Tito, Vic and Joey
      “Sila ang mga taong hindi selfish sa mga talent. ‘yung iba kasi, ‘pag alam nilang masasapawan ka, medyo pinupuwera ka, eh. Sila hindi, pinababayaan ka nila. Ilabas mo ‘yong nalalaman mo. ‘Pag ‘yang tatlo, pinansin ka nila, kailangang mabilis ka lang. ‘Yon ang way ng pag-ano, training nila. Hindi sa behind, ha, sa ere. ‘Pag kasama mo sila sa ere, kailangang naka-ready ka kasi babato at babato ‘yan eh,”

      YAN ANG DI KAYA NG PABORITO MONG C WILLIE

Leave a Reply

Your email address will not be published.