Jimmy Santos, Naholdap sa Caloocan

NAHOLDAP ANG isang kapangalan ng Eat Bulaga host na si Jimmy Santos ng tatlong lalaki sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na si Jimmy Santos, 41, at helper na si Raffy Dela Cruz, 27 kapwa ng San Juan, Balagtas, Bulacan.

Nadakip naman sina Cupid Lopez, 25; Jim Patrick Payongayong, 23 at James Richard Memot, 22, pawang ng 6th Avenue ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:20 ng umaga, ipinarada ni Santos ang dalang closed van sa Rizal Avenue Ext., sa 6th Avenue ng lungsod nang lapitan ng mga suspek at tutukan ng patalim.

Kinuha ng mga suspek ang mga cellphone ng mga biktima at DVD player ng sasakyan bago nagsitakas.

Nakahingi naman ng tulong sa mga nagpapatrulyang mga pulis ang mga biktima na naging dahilan upang habulin at madakip ang mga suspek.

Nabawi ang mga tina-ngay sa mga biktima at nakuhanan ng mga patalim ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.