Jimgirl, magpapakasal na rin

Jim GirlMARAMI ANG naloka sa isang kuwento namin sa Startalk tungkol sa dating taga-That’s Entertainment na si Jimboy Salazar  na nagpalit na nga ng screen name sa Jimgirl Salazar.

Nakakaloka siya dahil baklang-bakla siya nang nakausap ito ng Startalk na lumabas nu’ng nakaraang Linggo.

Noon pa man, pinagdududahan na siyang bading pero deny ang hitad kasi nga nali-link pa ito kay Mahal.

Ngayon sa bakla na rin siya nali-link dahil may dyowa na itong isang bading na kasama niya sa trabaho na naghu-host sa isang sing-along bar.

Nagpa-interview din itong dyowa ni Jimboy na Jimgirl na pala, at sinabi niyang tanggap na tanggap daw ng pamilya ang kanilang relasyon.

Si Jimboy naman, kaya nagpa-interview ito sa Startalk para mapanood na raw sana ng Mama niya na hindi pa rin tanggap ang karelasyon niya.

Ang dream daw nilang magdyowa ay magpakasal, pero hindi pa naman yata kaya nilang mag-Amerika para magpakasal, kaya baka sa Baguio daw sila dahil may alam silang merong seremonya roon para sa mga magdyowang bading.

Hay, naku! Bongga na talaga ang showbiz ngayon! Sina Aiza Seguerra at Liza Diño inaayos na rin ang kasal. Ganu’n na rin sina Charice at Alyssa Quijano raw. Bongga, ‘di ba?!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Jimgirl, magpapakasal na rin

Leave a Reply

Your email address will not be published.