Jim Paredes at Leo Martinez, binuweltahan by Tita Swarding

OLACHIKKA! HALOS PARATI nating naririnig ang mga katagang ito na trabaho lang walang personalan.

Hindi rin tumitigil ang mga tumutuligsa sa batikang direktor at nagmulat sa sambayanang Pilipino sa komiks na si Direk Carlo Caparas. Masyado na ngang pinepersonal ng mga hitad na ito ang husay ng magaling na komiks king. Makikita naman na may karapatan si Direk Carlo Caparas at malaki ang kanyang kontribusyon sa industriya. At hindi lang ‘yan, marami siyang nabigyan ng trabaho, hindi lang mga artista kundi malaking tulong siya sa industriya ng local showbiz. Masyadong below-the-belt ang tira ng mga nagmamagaling na sina Jim Paredes at Leo Martinez at hindi masisikmura dahil labis-labis na ang pamemersonal.

MAY NAG-TEXT sa akin galing sa isang Jopel Salazar ng Mariwaya, Marinduque na nagsabing dapat magtigil na ang dalawang ‘yan. “Wala silang naitulong sa industriya at sa mga massacre victims. Kung makatuligsa parang hindi rin kakutya-kutya ang mga buhay nila at hitsura. Silang mga walang trabaho pa ang may lakas ng loob na manuligsa sa karapat-dapat na maging National Artist. Marami pang natulungan, tita, si direk Carlo in and out showbiz at may mga scholars pa ‘yan, tita. Mismong kapatid ko ay napapa-aral niya. From komiks to movies,now on TV, tita, napahanga niya ang lahat.Ang dalawang ito, ‘kala mo may kakayahan, wala naman.Mga malalaking artista pa nga sumusuporta kay direk Carlo at nabigyan niya ng magandang proyekto.Sila,wala, ‘di ba?”

Hmmm…. no comment ako diyan. Naku, mukhang tama nga naman itong nag-text sa akin. Naku, abangan ‘yan. ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Aktress, nagpapakayaman gamit ang pondo ng gobyerno

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Jim Paredes at Leo Martinez, binuweltahan by Tita Swarding

  1. wag mo ipagmalaki ang 30 years or more mo sa radyo no. wala ka pa naman napatunayan at nagawang tama no. hahaha. ndi ka sineseryoso sa showbiz. sana ung mga years na un, nag strive ka man lang mag tapos ng college no. para ndi ka ganyan kababaw at kakitid. hhahahaha.

  2. etong si tita swarding isa sa mga showbiz writers at radio personalities na tipong pinabili lang suka sa tindahan ng amo nila naging writer at reporter na. kung ang kalibre ni caparas ang high quality para sa badidang na to, aba, e ung mukha nya very high quality na. hahahaha. pwede na syang tawaging tao, instead of payatot na kabayo. hahaha

  3. hindi talaga nila isosoli yan kasi may matatanggap na pera at maraming benefits ang nahihirang na national artist..yun lang

  4. Mag-research muna kung sinuman ang nagsabing walang natulungan si Jim Paredes at Leo Martinez. At hello, hindi naman ito National Kawanggawa award noh? ANg pinagtatalunan dito ay ang proseso sa pagkapanalo ni Mr. Caparas. At di ko alam na matatawag na palang sining ang massacre movies. Kung ang kontribusyo naman nya sa komiks ang pagbabasehan, mas matatanggap ko pa na sa Mars Ravelo ang nanalo. —- Ayaw naman isoli ni Caparas ang award e. Feeling nya kaliga nya ang mga tulad nina Arturo Luz et al. So isaksak nya sa bigote nya. At tapusin na ang National Artist. Gumawa na lang ulit ng bago, tapos gawaran lahat ng dating National Artist, except Caparas. Ok ba un?

    • Agree ako sa sinabi mo. Walang dinulot na kabutihan sa sining itong si Caparas. Pwede ba, ang babaduy ng mga massacre films niya ha??! Siguro kumita sa box office, pero di yun ang batayan ng contribution to culture, pwede ba?

      Dapat ibalik ng mga lahat ng nanalong National Artists ang mga awards nila bilang protesta. Para mapahiya ng kusa ang gobyerno at makita ang kahihiyan na napala nila na makasama sa grupo nila si Caparas. At dapat magkaroon sila ng ibang award na di pinakikialaman ng gobyerno..pero dapat patapusin muna nila ang Gobyerno ng Unano bago gawin ito dahil baka makialam na naman ang Malacanang….

  5. Kalerke, eh gaya lang nMn mga characters ni caparas sa k0miks nya. Buti di xa tinatawag na unggoy ni kik0ng matsing freDdie.Kalerke ha

Leave a Reply

Your email address will not be published.