Jillian Ward, ayaw makipag-kumpitensiya sa ibang child stars ng GMA-7!

KAHIT UNTI-UNTI NANG dumarami ang child stars ng Kapuso Network, hindi raw nababahala ang child wonder na si Jillian Ward. Kahit nga binibiro ito ng mga press na baka maungusan siya, okey lang daw sa kanya at hindi siya maiinggit sa mga ito.

Tsika pa nito na nagagalingan daw siya sa child stars ng Munting Heredera at Iglot, at gusto rin nga daw nitong makatrabaho ang mga ito sa mga show ng GMA-7. Bukod sa mga child stars ng GMA-7, gusto rin daw nitong makatrabaho ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at ang Star for All Season at gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos.

Sa ngayon, busy si Jillian sa kanyang tatlong proyekto, ang panibagong pagbibidahan nitong soap sa Dramarama sa Hapon na Daldakina, kasama sina Manilyn Reynes, Ogie Alcasid, Elmo Magalona, Julianne San Jose atbp., at sa dalawang pelikula sa Regal Films.

 

MASAYANG-MASAYA ANG TINAGURIANG  Drama Prince ng GMA-7 na si Kristoffer Martin sa kanyang newest afternoon soap sa GMA-7, ang remake ng Ikaw Lamang ang Mamahalin, kung saan makakasama nito ang tatalo sa pinaka-maningning na young stars ng GMA-7 na sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza at ang ka-loveteam nito at tinaguriang GMA Drama Princess na si Joyce Ching.

Tsika nga nito, gagampanan niya ang role ni Jepoy na ginampanan noon ni Cogie Domingo, kaya naman daw masusing paghahanda ang ginagawa ni Kristoffer para mabigyan ng justice ang role na iniatang sa kanya.

 

HINDI TALAGA MATATAWARAN ang galing ni Kuya Germs sa pagdidiskubre ng mga baguhang talento na malaki ang posibilidad na sumikat sa showbiz, katulad ng ginawa nito sa That`s Entertainment, at ngayon ay sa Walang Tulugan with The Master Showman.

Ilan nga sa unti-unti nang nakikilala at nabibigyan ng magandang break sa GMA-7 ang mga young stars na sina Jake Vargas na napapanood sa Party Pilipinas, Tween Hearts at Pahiram ng Isang Ina; Teejay Marquez at Ken Chan na napapanood sa Tween Hearts at Time of My Life; Rhen Escaño at Gaby Garcia na napapanood sa Tween Hearts at Hiro Magalona na napapanood sa Tween Hearts at Iglot.

Idagdag pa rito ang dalawa pang discovery ni Kuya Germs sa segment na Balitang Badingdings sa Walang Tulugan with the Master Showman at sa radio program nito sa DZBB na Walang Siyesta, na sina Mega Ohlala at Johna Chuchu na unti-unti na ring gumagawa ng pangalan.

 

MARAHIL DUMATING NA rin ang big break sa Starstruck batch 2 male grand winner na si Mike Tan para patunayan na pang-leading man material siya sa bagong soap ng GMA-7. Leading man na ngayon si Mike Tan with Carla Abellana and Michelle Madrigal.

Kaya naman daw sobrang happy si Mike dahil may maituturing na siyang show na masasabi niyang isa siya sa bida. Hindi nga raw maiwasang ma-pressure si Mike dahil naglalakihang artista ang susuporta sa kanya sa kanyang bagong project.

May mga nang-iintriga nga na kaya raw naibigay kay Mike ang naturang proyekto dahil nag-alsa-ba-lutan si Paulo Avelino sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN. Kung ‘di pa nga raw lumipat si Paulo, hindi mapapansin si Mike na tinatawanan lang nito, dahil alam naman daw nito na may plano sa kanya ang Kapuso Network at ito na nga ang soap na kanilang pagbibidahan nila Carla at Michelle. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Jillian Ward, ayaw makipag-kumpitensiya sa ibang child stars ng GMA-7!

  1. @laikabaito1227: hindi xa DA WHO KASE XA LANG NAMAN PILIT KINUKUHA NG MAHAL MONG CHEAP STATION ISA XA SA OINAKASIKAT NA TWEENS STARS NA GINAGAYA NG STATION MO! MABAIT DIN NA BATA KAYA NABIBIGYAN NG BIG BREAKS!

Leave a Reply

Your email address will not be published.