JI at Abu Sayyaf, Mambobomba

IKINASA NA NG militar ang kanilang kahandaan at pagpapaigting ng seguridad sa Mindanao, kasunod ng impormasyon ng mga posibleng pag-atake ng mga miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI) katuwang ang Abu Sayyaf Group.

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Chief, Major General Arthur Tabaquero, nakatanggap sila ng impormasyon na plano ng mga teroristang grupo na magsagawa ng mga pambobomba sa ilang bahagi ng rehiyon.
Test mission aniya ng may 20 bagong recruits ang pagpapasabog sa ilang simbahan, palengke at mga terminal ng bus gamit ang improvised explosive devices.

Nabatid na ang mga bagong recruit ay sinanay ng JI sa pangunguna ni Commander Basit Usman sa Liguasan Marsh.

Ilan sa sinasabing target ang mga lungsod ng Kidapawan, Tacurong, Koronadal, General Santos, Cotabato, gayundin din ang mga bayan ng Midsayap at Kabacan, at ilan pang bahagi ng North Cotabato. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.