Jhong Hilario & Iza Calzado: Now We’re Starting Something Romantic!

Jhong-Hilario-Iza-CalzadoJHONG HILARIO
Real Name: Virgilio Hilario
Birthdate: August 11, 1976

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday
IZA CALZADO
Real Name: Maria Izadora Ussher Calzado
Birthdate: August 12, 1982
Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday
MATAGAL-TAGAL NA ring namumuno sa noontime slot ang It’s Showtime. Maliban sa mga controversial hosts nito, nakapag-produce din ng ilang makukulit na loveteam ang show tulad ng VhongAnne, ViCeRylle at ang real-life couple na BiLeen. Hindi naman magpapatalo ang mahusay na dancer/actor na si Jhong Hilario sa pagpapakyut sa napakagandang si Iza Calzado. Jhong+Iza = JhoZa! Kabog!
Sa mga skits ng programa ay gayang-gaya ni Jhong ang boses ni Piolo Pascual bilang Marco sa Starting Over Again. Kinikilig naman ang madlang pipol sa pagiging bibbo but classy ni Iza.
Ang pagkakaalam namin ay parehong in a serious relationship sina Jhong at Iza. Kung sakali kaya ay can they start something new? Ahem…
Sa kahit anong eksena, laging standout ang mga Leo. Madalas pa ngang sila ang center of attraction. In all honesty, gustung-gusto nila na sila palagi ang napapansin. Ito ang maaaring maging problema kung dalawang Leon ang magsasama – ayaw nilang magpasapaw kahit pa sa iniirog!
Well, meron at meron talagang mas mapapansin sa dalawa. Kailangan nilang ibigay sa ka-partner ang korona bilang shining star from time to time. Dito natin malalaman kung magwo-work ba ang kanilang relasyon. Kakayanin ba ng kanilang pride and ego na mas angat sa atensyon ng madlang pipol ang dyowa? Mas mananaig ba ang pag-ibig kaysa sa insecurities? Malakas ang personality ng Leo kaya either too good or very chaotic ang kalalabasan ng pagsasamang ito. Love kung love, hate kung hate!

Importante sa dalawang Leo ang loyalty and trust sa isang relasyon. Kung wala ito, they won’t waste their precious time for something that has no guarantee to last forever. Dapat nilang matutunan na magparaya at huwag makipag-kumpitensya sa lover. Kung ma-overcome nila ang challenge na ito, may tsansa naman na mag-succeed ang pagsasamang ito.
Sa emotional level ay perfect combination ang dalawang Leo. Gets na gets nila ang isa’t isa dahil halos pareho sila ng aspirations in life. Importante rin ang pamilya at kaibigan sa kanila. In terms of loyalty ay maaasahan mo rin na gagawin nila ang kanilang papel bilang kabiyak sa buhay.
Ayown! It won’t be easy, but it is worth the risk. Will JhoZa start something real soon? We’ll never know! Rawr!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.